Chapter 17

1.8K 40 23
                                        

"Hi!" a woman in a tube top paired with a mini skirt greeted. Bumaba ang mga mata ko sa kabuuan niya. Parang pupunta sa party ang outfit.

Nakatingala lang ang pamangkin ko at pinag-aaralan ang itsura nito, tulad noong unang kita kay Xavier.

Tipid akong ngumiti at tumingin kay Xavier na nakasunod sa akin. Umupo agad siya sa kabilang bahagi ng mesa at ipinakilala ako sa magandang babae.

"Trisha, this is Bridgette," aniya.

Pinigilan ko ang mapaismid nang makitang matamis ang naging ngiti ng babae habang nakatingin sa gawi ni Xavier.

Her lips were coated with a bright red lipstick. Her eyes were smoky and her hair is tied is a messy bun, exposing her shoulder blades and her fair neck.

Tumikhim ako. Nalipat ang mga mata sa nila sa akin. Nag-abot ng kamay si Trisha na agad ko namang tinanggap.

"Hello ulit. Ano ka pala ni Xav?" tanong nito.

Pakiramdam ko ay abot langit na ang pagkakataas ng kilay ko dahil sa itinawag niya kay Xavier. Ganoon ba talaga kapag possible fling niya ang nakikita namin? Laging Xav ang tawag?

Napatingin akong muli sa dibdib ni Trisha. Malaki talaga iyon. Mukhang cup C. Talong-talo agad ako.

"She's my friend," Xavier butted in.

Naitikom ko ang bibig ko. I blinked thrice and let go of the woman's hand.

Tumango-tango ang babae sa tugon ni Xavier, parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.

Gustong-gusto ko nang magtaray roon, mag-amok at umalis pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko dahil wala ako sa lugar. Nakakahiya.

"Why are you still standing there? Sit here." Tinapik ni Xavier ang upuan sa kanan niya.

Umiling lang ako at hilaw na ngumisi bago bumaling kay Trisha. "P-Puwede bang ikaw na lang do'n? Susubuan ko kasi ang pamangkin ko. Diyan na lang sana ako sa tabi niya."

"Oh, sure!" Dali-dali itong tumayo, muntik pang masubsob dahil gusto agad makaupo sa chair na katabi ni Xavier.

I mentally rolled my eyes.

Pumuwesto na ako sa tabi ni Ashton at hinintay ang order namin. Tulad kanina ay hindi ulit ako nagsasalita. Ang bata ay busy sa paglalaro ng toy car na bagong bili namin kanina habang si Xavier at si Trisha naman ay nag-uusap.

Inilabas ko ang phone ko at nagkunwaring abala roon. I can see Xavier staring at me on my peripheral​ view. Nanayo ang mga balahibo ko dahil nararamdaman ko ang init ng titig niya.

"It was so rude of me to not accept your flowers. Nahihiya lang talaga ako noon."

Parang gusto kong pasakan ng tissue ang tenga ko noong marinig ang maarteng hagikgik ni Trisha.

"Sometimes nga, I wonder if you're​ still into me, eh. Naiiisip ko minsan na baka... you know, we can still work things out," rinig kong sabi niya.

Tumikhim si Xavier. Nag-angat ako ng ulo mula sa phone at tumingin sa kaniya. He shifted on his seat uncomfortably.

"I think this is not the right time to talk about that, Trisha. May mga kasama tayo." Sumulyap siya sa akin, sinisipat ang reaksiyon ko. Parang may hinahanap na kung ano kaya pinanatili kong malamig ang aking mukha.

"Ayy, oo nga. Pasensiya na," nahihiyang wika naman ni Trisha. Namumula na ang mga pisngi nito dahil siguro sa sinabi ni Xavier.

Walang nagsalita hanggang sa dumating ang mga pagkain. Doon na rin talaga nag-stay si Trisha kahit na may mga kasama pa itong babae kanina sa kabilang table na naghihintay ng take-out. Umalis din naman agad ang mga iyon at bumati pa kay Xavier. Inimbita pa nga siya sa celebration party daw pagkatapos ng shoot next week para sa isang sikat na magazine.

Mahilig talaga siya sa mga modelo.

"Fries po." Tinuro ni Ashton ang pagkain ko. Ubos na ang para sa kaniya kanina pa.

Tumango ako at saka iniumang ang isang piraso sa maliit niyang bibig.

Pinabayaan ko lang na mag-usap ang dalawa roon. Hindi ako nakisali kahit ano pang pagpipilit ni Xavier na isabat ako sa usapan. Mukhang napansin naman niya ang kawalang-gana ko kaya hindi na niya ako sinubukang kausapin ulit.

Sinubuan ko lang ang magaling kong pamangkin habang kumakain kami. Hindi rin nakikisali si Ashton sa tawanan ni Trisha at ni Xavier, mukhang nakikiramdam dahil nakatingin lang ito sa akin.

Matapos naming maubos ang mga pagkain ay nagpaalam na si Trisha dahil may gagawin pa raw ito. Sumabay na kaming lumabas sa fastfood dahil iginiit na rin ni Xavier na ihatid muna niya ang kasama niya sa exit ng mall.

"Stay here. Sasamahan ko lang si Trisha."

Hindi ako sumagot doon. Tumango naman si Ashton at yumakap pa sandali kay Xavier.

"Babalik din ako," aniya at mahinang napatawa. Bumagsak ang mga mata niya sa akin. "Sandali lang 'to."

"Xav, let's go. My sundo is already at the parking. I'm not really familiar with this mall, eh. 'Di ko alam kung saan ang direction." Lumingkis ang makinis na braso ni Trisha kay Xavier.

Napaiwas ako ng tingin. Hinawakan ko ang balikat ni Ashton at aakayin na sana siya nang magsalita ulit si Xavier.

"Huwag kayong aalis dito," wika niya.

Tumango ako kahit hindi pa rin siya binibigyan ng sulyap. Narinig kong nag-aya na naman si Trisha kaya umalis na sila.

"Is she his girlfriend, Tita?" tanong ni Ashton.

Lumingon ako sa papalayong bulto nina Xavier at Trisha. They really do look like a couple. Trisha was hugging his arms and Xavier looks like some possessive boyfriend as he snake his arm around her.

"H-Hindi ko alam."

Who knows? Maybe, yes. Maybe Xavier is already eyeing her as a replacement for me. Kasi tagilid na ang estado namin. Baka humahanap na siya para may kapalit agad kapag napag-usapan naming itigil na 'to.

"Your phone is ringing," Xavier said while looking at my face.

I didn't notice I was spacing out too much. Kanina pa siya dumating at dinala niya kami rito sa food court habang inaantay namin ang tawag nila Aly.

Napadako ang atensiyon ko sa aparatong nasa mesa. Agad ko iyong sinagot nang makitang pangalan ng pinsan ko ang nasa caller ID.

"Andito na kami sa ground floor, sa loob ng SB," aniya.

Nagpalitan pa kami ng ilang salita bago tapusin ang tawag.

"Your mom's already here, Ash. Susunduin ka na." Ngumiti ako kay Ashton na parang nakarinig ng kung anong magic spell.

"Really?" he excitedly asked. "Is she with daddy?"

"Yes."

"Isn't it too early? Six pa lang." Sinipat ni Xavier ang relo sa palapulsuhan.

"Kaninang four pa nga yata sila nakarating. Natagalan pa nga iyon." I shrugged. "Tara na at baka mainip ang mga 'yon."

"Okay," wala sa loob niyang balik bago tumayo at kargahin ang bata.

Xavier collected​ all of our shopping bags while my nephew is clinging onto his neck. He grunted as he lift four of it on his left hand.

"Baby, maglakad ka na lang. Baka nabibigatan si Tito mo," wika ko bago i-extend ang kamay.

"Huwag na." Iniwas ni Xavier si Ashton. "I want to hold him like this for our last hour as babysitters."

Umismid ako sa naging turan niya. "Ang dami mo na ngang hawak at hindi ka magkandaugaga."

Inabot ko ulit si Ashton pero ayaw talaga niyang ibigay. Tumawa lang ang pamangkin ko at mukhang tuwang-tuwa pa sa pag-aagawan namin. Sa huli ay ang mga gamit na lamang ang kinuha ko.

Noong una ay ayaw pa niyang pumayag, pero nang sabihin kong hindi na ako natutuwa ay sinuko niya ang dalawang paper bag sa akin.

"Ayoko lang na pagbuhatin ka. Baka mapagod ka na naman tulad noong kahapon."







-

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon