"Hello, Bridge?" si Aly sa kabilang linya.
Kaaalis lang ni Xavier at nasa kusina pa rin ako para maghugas ng mga ginamit namin nang mag-ring ang cellphone ko.
"Bruha ka! Buti at naisipan mo pang tumawag, 'no? Akala ko wala ka ng balak na kamustahin kami ng anak mo."
"Sorry na," aniya. "Mahina ang signal doon sa isla kaya hindi ako makasagot sa texts mo at makatawag."
Napairap ako sa rason niyang iyon. Ngayong gabi pa talaga niya naisipan na mangamusta. Ilang araw ang nagdaan na tinatawagan ko siya pero hindi naman sumasagot o nagtetext man lang pabalik.
"Baka naman busy ka lang na magpabugbog ng kipay diyan kay Pavel kaya wala kang oras?" I mocked. Ibinaba ko ang tissue paper na ginamit kong pamunsa sa kamay saka ako umupo sa dining chair.
"Bridgette! Naka-loud speaker 'to!"
Napatawa ako nang matunugan ang pagka-eskandalo sa boses niya. Narinig ko pa ang pagmumura niya sa kabilang linya kasabay ng ilang kaluskos.
"Oh, eh ano naman?"
"Nakikinig si Pavel sa 'tin," mariin niyang saad.
Natuptop ko ang bibig ko. "H-Hala, sorry!" wika ko saka bumunghalit ng tawa.
She just murmured words I cannot fathom. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto.
"Bakit pala nakatawag ka? 'Kala ko ba, wala kang masagap na signal diyan?"
"Nasa hotel na kami rito sa Cebu."
Naningkit ang mga mata ko habang iniisip ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mananaig sa mga reaksiyon ko ngayon; ang balaan siya dahil mukhang handa na naman siyang magpakatanga o ang asarin dahil mukhang may nangyari na naman.
"Nasa iisang suite lang kayo? Hoy, Alyssa, sinasabi ko sa 'yo..."
"Napaka-malisyosa mo!" asik niya. "Tumawag lang ako para mangamusta at para ipaalala sa 'yo ang oras ng dating namin diyan bukas."
"Uuwi na kayo?"
"Yes."
I sighed. Oo nga pala, ilang araw lang. Susunduin na nila si Ash.
"Good morning, baby!" Pinugpog ko ng halik ang mukha ng pamangkin ko habang wala sa sarili nitong sinusubukan na tumayo.
"Good morning po, Tita," pupungas-pungas na wika niya saka nagkusot ng mga mata. Napangiti ako nang mapaupo ulit siya sa kama.
"Anong gusto mong breakfast?" tanong ko.
Saglit pa siyang hindi nakasagot habang kinakamot ang mapipintog na pisngi.
"I want waffles po with caramel and cweam." Dumilat siya at ngumiti sa akin kaya lumitaw na naman ang mga ngipin niyang cute.
"Okay. Waffles for Ashton, coming right up!" Ginanahan ko ang boses ko. "But first, brush muna tayo ng teeth, okay?"
"Okay po."
Sinamahan ko siyang magsepilyo sa loob ng banyo dahil hindi pa niya masyadong abot ang lababo. Nang matapos kami roon ay iginaya ko na siya papunta sa kusina para maipagluto.
"Will Tito Pogi visit us later? It's my last day here po kasi..."
Napatigil ako sa paglalagay ng mix sa panghulma.
"Hindi ko alam, baby. Mukhang napagod si Xavier kahapon kaya baka hindi na."
"Po?" Tinignan ko siya at agad na napansin ang pagkadismaya niya. "Then call him, please. I want to go to the mall."
Malutong akong napamura sa isip ko.
Hindi ko na ulit kakayanin kapag nakasama na naman naming mamasyal 'yung kamoteng 'yon. Sa tuwing malapit 'yon sa akin ay nagririgodon lagi ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako makalma kahit wala siyang ginagawa.
"Baby, baka tulog pa ang tito mo ngayon. Ilang oras siyang nagmaneho kagabi. Ako na lang ang magdadala sa 'yo mamaya sa mall kasi darating na rin ang parents mo." Ibinalik ko ang mata sa hinahanda ko.
"It will be too boring without him, tita. Just ring his phone for me, please?"
"Ash, huwag matigas ang ulo. Hayaan na muna natin si Tito Pogi mo. Ilang araw na 'yong nag-aalaga sa 'yo." Pilit na pilit pa ang ngiti ko nang banggitin ang tawag niya kay Xavier.
He frowned at me. "I will not eat your waffles, then."
Napamaang ako sa kaniya at natigil sa ginagawa.
"Don't be a brat, baby. Hindi magandang ugali 'yan."
"P-Pero kasi..." Pumiyok ang boses nito saka napaiyak habang nakaupo roon sa lamesa.
Nataranta ako kaya agad kong binitawan ang hawak para daluhan siya.
"Shit." I wiped his chubby cheeks. "'Wag kang umiyak, Ash."
Sunod-sunod kong pinunasan ang luha niya pero patuloy lang ito sa pagbagsak. Ipinaikot niya sa akin ang maliliit niyang braso saka sumubsob sa leeg ko.
I ran my hands on his back to soothe him.
"I want my Tito Pogi!" he cried.
I grunted painfully and carried him in my arms. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa leeg ko. "Ang kulit mo naman, baby."
"Please, Tita..." he sobbed. He clutched on my shirt as he blink his tears away. Namumula na ang pisngi niya.
Si Xavier ang lagi niyang hinahanap kahit ako ang nandito. Kahit noon pang mga naunang araw. Hindi ko alam kung sadyang idol niya ba ang lalaking 'yon o ano. Tinatanong niya pa kung saan ang trabaho ni Xavier.
Napabuntong-hininga ako at nag-iwas g tingin. Baka nagkakaganito lang siya dahil kagigising lang. Tinotopak.
Abala pa rin ako sa pagpapatahan sa kaniya nang makarinig ng katok sa labas. Binuhat ko si Ashton at isinama papunta sa pinto.
Ang nakangiting mukha ni Xavier ang sumalubong sa amin.
Natuod ako sa kinatatayuan ko.
"Hi." Nalipat ang tingin niya sa batang umiiyak at nakayakap sa akin kaya agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong nangyari?"
"G-Gusto kang patawagan sa 'kin." Hinagod ko ang likod ni Ash. "I said no because you must be tired from accompanying us yesterday. Nag-aaya na namang mamasyal, eh."
"Give him to me," he ordered.
Tumalima ako kaagad at hinayaan siyang pakalmahin ang nagmumuryot na si Ashton. Wala pang ilang segundo ay natigil na ito sa kakaiyak at nakikipag-usap na kay Xavier.
"C-Can you please go with us to the mall?" Hilam sa luha ang mukha nito at bahagya pang nanginginig ang maliliit ang mapulang labi.
Xavier gave a nod before running his hands on Ashton's hair. The boy smiled languidly.
"There, kiddo. You look more handsome when you're smiling."
Pumasok sila sa loob ng sala at iniwan akong mag-isa sa pinto. Napabuga ako ng hangin at napairap bago isarado iyon.
-
![](https://img.wattpad.com/cover/206771591-288-k298906.jpg)
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?