Chapter 1

4.9K 87 87
                                    

"You think so?"

"We don't always end up falling for our usual types, you know. Hindi naman malabong magustuhan ka niya."

Inikot ko ang paningin sa paligid para mag-isip ng dahilan. I want this to end immediately. I hate taking part on schemes where someone could possibly get hurt.

"Should I say yes already?" she queried. "I know it's very unusual for me to ask your opinion because we're not really close pero do you think it will work?"

Nagkibit-balikat ako at uminom ng juice.

"Men like him tend to sleep with random girls when they get hurt. If you really like him and you don't want him to slip out of your hands, then you better say yes and have him all by yourself." Ngumiti ako pero agad na napaubo nang marealize ang sinabi.

Inabutan niya ako ng tissue.

"Everything's worth giving a shot, Keesha." Umubo ulit ako but with poise. "Hindi mo naman malalaman ang kahihinatnan ng relasyon ninyo kung hindi mo bibigyan ng tiyansa."

"You're right," kimi niyang saad saka nahihiyang nagbaba ng tingin sa kinakain.

Wala na ulit nagsalita sa pagitan naming dalawa. The awkwardness is killing me.

"Anyways, I need to go ahead. I need to see someone for an important matter," I lied.

Tumango siya sa akin.

Dali-dali kong dinampot at handbag ko pati ang mga inabot niya kanina at walang lingon na lumabas sa restaurant​ na kinainan namin.

Damn you, Weston.

"How did it go?" The brute asked as soon as I picked up his call.

"Ayos lang. Baka sagutin ka na rin niya one of these days," saad ko sa mababang tono. "It just took me some time to process all of her nonsense chats about your dates dahil ang corny ng mga kuwento niya."

Pumasok ako para maupo sa driver's seat at isinara na ang car door.

"Anong sinabi? How can you say that she's​ really convinced?" There was a hint of joy in his voice.

Inipit ko ang telepono sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nagmamaniobra ng manibela. Napairap ako dahil sa irita.

"Basta! Tigilan mo na ang pagtatanong. Hindi ko naman hawak ang utak niya kaya hindi ko rin alam kung naniwala ba talaga siyang seryoso ka," sagot ko.

He's been pestering me for days because of this. I don't know if he's serious with that girl pero ayaw ko siya para roon. They will surely not get along because Keesha is too nice and he's an asshole.

"Oh, bakit parang galit ka? Are you on your period?"

"Wala akong regla. Bwisit."

Tinapos ko agad ang tawag para hindi na siya makapagsalita.

Nagmaneho ako at pilit na inalis sa isip ang nangyari kanina. I shouldn't bother myself with their relationship. It's not my problem anymore if it won't work. They're both grown-ups who can make decisions for theirselves.

I parked my car and went out carrying the keys. Iniwan ko ang mga delicacies galing Baguio na ibinigay sa 'kin ni Keesha kanina pati ang handbag ko sa loob. Tanging cellphone at susi ng kotse lang ang dala ko dahil wala naman akong balak bitbitin lahat ng iyon para iparada.

Saka hindi rin naman ako magtatagal unless he needs my service. And I doubt that he'd call me for something that would take hours, anyway. Busy yata siya ngayon ayon sa secretary niya.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon