"So you guys were like... fuck buddies?" kunot-noong tanong niya.
Nahihiya akong tumango habang pinapasakan ng junk food ang bibig ko. I felt small after telling him the whole story. Not in detail with the sexy scenes and on how many times Xavier and I did it, but still...
"We're over now," wika ko habang puno ng pagkain ang pisngi.
He shifted on his position to face my side. "Bakit ka pumayag sa ganoon?"
"You see, I was a bit reckless when something happened between us t-that night." Yumuko ako pero itinaas niya ang baba ko para magpantay ang mga mukha namin.
"Don't be shy. Isipin mo na lang na babae ako... o best friend mo o kahit ano para hindi ka mahiya." Tumingin siya sa mga mata ko. Parang gusto kong maiyak ulit nang makitang walang bahid ng panghuhusga iyon. "You need to let it out, Bridgette. Makikinig ako."
Natapos ang gabi sa pag-iyak ko at pagtulog sa balikat ni Caleb. I was too exhausted from all the crying last night that I drifted off to sleep without me even noticing it.
The moment I woke up earlier this morning, baradong-barado ang ilong ko. My head was aching and I felt like I'm about to catch some cold so I drank something from the medicine box at Caleb's kitchen.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay parang may nawalang bato na nakadagan sa dibdib ko. Naging magaan ang hangin sa pagitan namin ni Caleb. The walls I built around me suddenly vanished.
Two people already know Xavier and I's secret. Aly and him.
Hindi ko inaasahang siya pa ang mapagsasabihan ko ng mga problema ko bukod kay Alyssa. Noong nasa party ay inis pa ako sa kaniya pero nang kapain ko ang pakiramdam ngayon ay parang bula na naglaho ang lahat.
Papauwi na kami galing ng Tagaytay. Naghintay kasi kami hanggang alas cuatro ng madaling-araw bago tumulak sa biyahe. Papasikat na ang araw at medyo mahamog pa pero pinili na namin ang oras na ito para malamig at walang masyadong traffic.
It was one fun ride. Parang road trip lang. I was able to forget the negative thoughts in my mind and I enjoyed talking about random stuffs with him.
"Saang banda?" tanong niya habang ipinapasok sa street namin ang kotse.
Mataas na ang sikat ng araw pagkarating namin dito sa Manila. May mga ilan na kaming nakakasalubong na sasakyan sa mga kanto at inabutan na rin kami ng traffic sa ilang kalsada pero tulad ng inaasahan, hindi naman malala iyon.
"I'm quite surprised that you don't know. Akala ko alam mo na lahat ng tungkol sa akin dahil kay Riese." Natawa ako.
He frowned at the mention of my cousin's name.
"Hindi pa kami tapos ng babaeng iyon. She better have some good reasons or else, makakatikim siya sa akin." Binagalan niya ang takbo para iparada ang sasakyan.
"Anong makakatikim?" Natuptop ko ang bibig ko.
"Wala!" Umirap siya. "Bumaba ka na. Inubos mo ang pera ko," nakanguso niyang saad.
Naalala ko tuloy ang lahat ng binili naming pagkain. May idinala pa nga ako sa sobrang dami ng mga iyon. Halos lahat ay galing sa convenience store at may mga delicacies din kaya siguradong libo nga ang naging gastos niya.
"Damot nito. Dapat pala hindi na kita hinabol kahapon kung isusumbat mo rin," pabiro kong sabi.
Nauwi sa ngisi ang pagnguso niya. "Joke lang, eh. Next time ulit, ha? Tapos iyakan mo ulit 'yung love life mo."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Napahalakhak lang siya at inabot na sa akin ang mga gamit ko. "Baba na! Nangangamoy na 'tong kotse ko."
"Grabe makalait. Akala mo hindi patay na patay sa akin noong nakaraang buwan, ah?" panunudyo ko.
Sa sandaling nakasama ko siya ay nalaman kong palabirong tao pala si Caleb. Not the same impression I had when I first saw him. Mukha siyang seryosong tao at malandi sa mga babae pero madali naman pala siyang pakisamahan.
"Don't even go there, woman. Crush lang kita dati pero na-turn off na ako sa uhog mo kagabi." Humagalpak siya ng tawa.
Hinampas ko sa kaniya ang bag ko saka nakangiting bumaba roon. Hinintay ko pang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng building.
Pagkaakyat sa floor ko ay hinanap ko na agad ang susi habang naglalakad. Nahirapan pa ako dahil sa paggalaw niyon kasabay ng bawat hakbang ko. I stopped in the middle of my tracks to put down the paper bag I am holding.
I was still smiling while searching for it inside. Ngunit nang mag-angat ng paningin mula sa bag ay napamaang ako sa nakitang naghihintay sa tapat ng apartment door ko. Pinilit kong makahakbang papalapit kahit nanlalambot ang tuhod ko.
"Saan ka nanggaling?" Nakapang-opisina na siya at mukhang bagong ligo. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya nang makatapat ako sa pinto.
-
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomansaBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?
