"Nasa tuktok na tayo!"
Namangha ako nang tumanaw sa baba. Inaya ko sila na tumingin rin pero si Ashton lang ang tumalima. Nakaupo lang si Xavier sa gilid habang nakatingin sa amin.
"The lights are so beautiful!"
Natawa ako sa sinabi ni Ash. Kinurot ko ang pisngi niya at hinalikan iyon pagkaraan.
"Tara dito! Let's take a picture!" I called him.
Lumapit siya sa amin at tumabi.
Kandong ko si Ashton habang siya naman ay nasa left side ko. Naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa aking bewang.
His palm was warm. I can feel it seething through my top. Pinisil niya ang bewang ko kaya napamulagat ako at napakislot.
Siniko ko siya pero hindi man lang siya dumaing. Mas inilapit lang niya ang dibdib niya sa likod ko at tuluyang ipinalupot ang kamay sa tiyan ko.
My hands shook a bit because of that. Inayos ko ang pagkakaupo ni Ashton sa kandungan ko. I wasn't able to properly click the camera because the oxygen on my lungs got robbed.
Sa huling click ay inilapit ni Xavier ang labi sa tenga ko.
"Relax..." Paos ang boses niya nang sabihin iyon.
"H-Ha? Relaxed naman ako, ah? Pinagsasabi mo riyan?" Pineke ko ang tawa ko na mukhang nahalata niya.
Ngumisi si Xavier sa akin at idinantay ang baba niya sa balikat ko. His nose grazed the side of my cheek as he smiled on the camera.
Amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango. Nanunuot sa ilong ko at parang gusto ko pang isubsob ang mukha sa dibdib niya para masinghot kong lalo.
"Okay. Kunwari naniwala ako," panggagaya niya sa linya ko kanina sa kotse. Nangingislap ang mga mata niya sa kapilyuhan na ikinainit ng mukha ko.
Siguro ay narealize niyang malakas ang epekto ng presensiya niya sa akin kaya ganoon.
I frowned and hit him with my knuckles to cover my embarrassment. Agad namang nagreklamo si Ashton sa likot namin kaya hindi na ako nakabawi pa.
Hindi ko pa rin maintindihan.
Xavier being smiley all throughout the day is very unusual. He's serious most of the time given that he wanted to be more precise and prim as he is a businessman. Hindi siya mahilig magbiro, depende na lamang kapag gusto niyang sakyan ang mga panloloko ko.
"I had so much fun!" Ashton gleed after we got inside the car. Pinalupot niya ang kamay sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi. Pagkalayo niya sa akin ay sunod naman siyang kumandong kay Xavier.
"Salamat po," he beamed.
Napangiti si Xavier at inalapat ang mga kamay sa likod ng bata para hagurin iyon. Tumingin siya sa akin habang malambot ang ekspresiyon sa mukha.
Dahil doon ay hindi ko na rin naiwasang tumitig sa kaniya.
His brown, tantalizing eyes are really beautiful. Especially when the sun hits it. Streaks of gold and yellow shows as it blend with his pupils.
I've seen those orbs like that for only a few times and I'm longing for it to happen again. Kapag nasa labas kami at naglalakad ay saka ko lamang nakikita iyon. Mabibilang pa sa kamay ang pagkakataon.
Ilang segundo kaming nakatunghay sa sa isa't-isa at naputol lamang iyon nang marinig kong humikab na si Ashton. Nag-iwas agad ako ng tingin at marahas na napahugot ng hangin.
"A-Ash, matulog ka muna sa likod. Ililipat na lang kita pagkarating natin sa bahay," wika ko.
Tumango naman si Xavier at siya na mismo ang bumuhat kay Ashton para tulungan itong lumipat sa backseat.

BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?