"Hoy! Bakit ka sumusuka? Hindi ba masarap ang luto ko?" tarantang tanong ni Aly matapos akong sundan sa banyo.
"H-Hindi, ayos lang. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina pa."
Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hinagod niya ang likod ko nang mapayuko ulit ako sa lababo para sumuka.
I made a sound far different from the original tones of my grunts. Parang hinahalukay ang tiyan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nangangasim na naman ako at naglalaway.
"Parang may problema yata sa menudo ko. Inilabas mo lahat, eh."
Umiling ako at nagpatuloy sa pagduwal. Halos maiyak ako sa hirap at panghihina.
Ilang araw na akong paulit-ulit na nakararamdam ng ganito. Parang laging inuubos ang lakas ko at biglaan na lang iikot ang paligid ko bago ako maduwal. Gusto ko mang isipin na wala lang ito ay hindi ko rin naman mapigilang mag-alala para sa sarili ko.
Nang maramdam ng ginhawa ay agad akong nagmugmog at hilamos. Mag-isa na lang ako roon. Lumabas na si Aly na halos ayaw pa akong iwanan kanina para asikasuhin ang anak niya dahil susunduin daw ni Pavel ang bata ngayon.
Nagpunas ako ng bibig at napahawak sa sink nang bahagya akong mahilo. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagdesisyong lumabas ng banyo.
"Umupo ka muna." Aly placed a capsule in the table as she nudge me.
"Tubig na lang, Aly. Ayoko muna ng gamot," ani ko saka hinila ang upuan para maupo.
"Paano gagaan ang pakiramdam mo kung hindi ka iinom nito?"
"Pahinga lang."
"Namumutla ka, B. Ipatingin na kaya kita sa doktor?"
Agad akong napailing doon. Nababahala na rin ako sa kondisyon ko pero ayoko. Hindi ko naman kailangan. Sa puyat lang siguro ito. Ilang araw na akong walang tulog kakaisip sa mga bagay-bagay.
"'Wag na. Hindi na bago 'to. Ilang araw na akong ganito."
"Sira ka pala talaga, eh. Paano kung seryoso na 'yan?"
"Ako na mismo ang pupunta sa ospital kung alam kong may mali sa akin. Masyado kang praning, Aly. Katawan ko 'to kaya alam ko kung pagod lang ba ako o ano."
"Ayan ka na naman sa mga paganyan mo. Hala, sige! Maghintay ka muna rito at mag-aayos na rin ako para masamahan kita." Inilapat niya ang magkabilang kamay sa bewang bago lumakad sa ref at kumuha ng pitsel.
"Where's Ash?" pag-iiba ko sa usapan.
"Hiniram ng tatay. Ang tagal mo kasi sa banyo kaya hindi mo na naabutan."
"Gano'n?"
"Oo, ganoon nga."
Mukhang nailang siya sa mga tingin ko kaya mabilis siyang nag-iwas ng mga mata pagtapos ilapag ang baso at tubigan sa mesa.
"Maliligo lang ako."
"Huwag na nga, Aly," muryot ko. "Ayokong gumastos sa check-up."
"Aba, buraot!" Naningkit ang mga mata niya. "Ako na ang sasagot para may paglagyan naman 'yung pera ni Pavel. Shopping din tayo pagkatapos para makabawi na ako sa hinayupak."
Napasimangot ako dahil doon. "Nakakahiya!"
Sa totoo lang ay may pera naman talaga ako. Gumagawa lang ako ng dahilan para hindi na kami lumabas pa. Gusto kong makitulog na lang muna dito sa bahay niya dahil hindi ako komportable sa mansiyon.
"Anong nakakahiya ro'n? Inalagaan mo 'yung anak niya ng halos isang linggo. Saka 'di naman niya malalaman. Hindi ko rin ipagkakalat kung anong magiging resulta ng check-up mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/206771591-288-k298906.jpg)
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
Roman d'amourBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?