Chapter 29

1.9K 49 13
                                        

"Saan ka nanggaling?" kunot-noong tanong ni Weston pagkapasok ko sa kumedor.

Kakabalik ko lang galing sa bahay nila Aly at napagpasyahan kong dito na lang sa amin mag-umagahan. Hindi naman na tumutol si Aly roon dahil pupungas-pungas pa siya noong nagpaalam ako.

"Diyan lang sa labas. Naglakad-lakad."

"You're bad at lying, you know." He rolled his eyes. "Nakatambay ako sa living room buong gabi dahil hindi ka nagpaalam na aalis ka. It was already midnight when I decided to sleep."

"Why did you even wait for me?" I placed both of my hand on both sides of my waist.

"Mommy asked me to tell you something."

"Hindi puwedeng ipagpabukas?"

"No." He sipped on his mug. "Tatawag dapat siya kagabi para kausapin ka."

"Why didn't you give my number then?"

"Hindi ka sumasagot agad kapag unregistered ang numero."

Napangiwi ako nang maalala ang mga attempts niya na kontakin ako noon. Umaabot sa dalawampung higit na tawag muna bago ako pick-up-in para siguruhing hindi namali ng number ang caller at talagang importante ang sasabihin. Parang tanga, alam ko, pero ganoon talaga ako.

"Tungkol saan ba?"

"They want to ask you to come with me at the airport next week."

"'Yun lang?"

"Yes." He stared at my face longer than usual, as if observing the way my face muscles move.

"I thought it's something more important. You should've texted me."

Hindi na siya kumibo kaya umupo na rin ako para kumuha ng pagkain. Dahil may mga nakahanda namang iba pang plato at kubyertos roon, agad akong nakapagsandok ng mga gusto kong kainin.

Nagtuloy-tuloy ang pagsubo ko dahil ginanahan ako sa luto ng fried rice. Kumuha pa ako ng maraming ulam at maganang nilantakan ang mga iyon.

"Para kang hindi nakakain ng isang taon."

Napatigil ako at sinamaan siya ng tingin. "Grabe kang magsalita. I'm just enjoying the food."

"Well, I can't blame you. Masarap akong magluto."

"You cooked these?" Gulat kong sabi na tinanguan niya. "Hindi ako naniniwala."

"May nakikita ka bang kasambahay sa paligid?"

"Wala."

"Sino pa sa tingin mo ang naghanda ng mga 'yan?"

"Baka si Mang Cardz," pagtutukoy ko sa guwardiyang nagbukas ng gate para sa akin kanina.

Sumimangot ang kapatid ko at lantarang ipinakita ang pagkairita sa akin. Umirap siyang muli, gawain na wala sa karakter niya.

"Napaka-sungit mo ngayon, ha," wika ko.

Hindi niya ako pinansin.

I don't know if something came up earlier that put him into a bad mood. Madalang siyang maging ganito kataray kaya bigla akong nanibago.

Napanguso ako nang maalala ang sinabi niya kani-kanina lang. Naghintay raw siya sa akin hanggang hatinggabi. Marahil ay iyon nga ang rason kung bakit ganito siya makitungo.

Alam ko naman kasing ngayon lang ulit siya nagkaroon ng kasama sa bahay tapos hindi pa ako nagpaalam na hindi ako uuwi kagabi. Malamang, nag-alala siya at napuyat dala na rin ng ilang oras na pagtambay sa salas.

Nagdahan-dahan ako sa pagnguya. "Sorry..."

Weston was taken aback. He drew a deep breath and just nodded, not even asking me what the apology is for. Ibinaba lang niya ang hawak na tinidor at sumimsim sa baso ng tubig na nasa kaliwa niya.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon