They say everything in this world comes in pairs. With happiness comes sadness. With order comes chaos. And with love comes pain.
One cannot be without the other. Gaya ng huli kong nabanggit. When you choose to love and give yourself the chance to experience it, you will most likely endure pain too. Hindi mapaghihiwalay ang dalawang iyon dahil kakambal na ng pagmamahal ang sakit.
Akala ko, magiging ayos na sa akin kapag nakita ko siyang may kasamang iba dahil mas paiigtingin lang noon ang rason ko para hindi na magkaroon pa ng koneksyon sa kanya. Akala ko magiging pabor iyon dahil mayroon na siyang pinagkakaabalahang bago pero...
Ang sakit pa rin pala. Ang sakit sakit. Ang sakit na malamang sa loob ng maikling panahon, nakahanap siya agad ng pamalit sa akin.
"Good evening ladies and gentlemen..."
Napalingon kami sa podium nang umakyat ang haligi ng mga Lacson doon. Nakangiti ang may edad na lalaki habang inililibot ang mga mata niya sa mga taong nanonood, parang hari na pinagmamasdan ang kinasasakupan niya.
Everything on and near the stage screamed power and elegance. Naroon na rin kasi sa malaking mesa sa harap ang mga Lacson kasama ang ilan pa sa mga nag-fund ng party. Isa-isang pinasalamatan iyon ng matanda, pinatatayo pa para pakawayin at ngitian ang mga bisita.
Not much to my shock, he was one of the people who stood on the podium when Mr. Lacson called his family. Gianna was leaning on him and cautiously turning her head to give everyone a bright smile. Nakapalupot pa sa maliit na bewang ng babae ang isang kamay niya.
He looked sinfully gorgeous in his three piece suit. His white polo and red tie complimented his moreno physique. His hair was deshiveled beautifully in a manner where you can presumably smell how expensive he is even from afar.
Saglit lang akong pumasada ng tingin bago nag-iwas. Hindi ko sila kayang tignan. Parang may kung anong nagwawala at humahalukay sa sikmura ko.
Alam kong wala naman akong masisisi kundi ako lang din. I am the one who ended the deal between us. I was the one who chose to bear this misery so i have no rights to get jealous.
Ako ang pumili nito at iyon ang desisyon na hindi ko na dapat pang pagsisihan ngayon. Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na dapat na naming tapusin ang anumang mayroon kami para hindi na kami mas lalo pang masaktang pareho. Ako ang nagdesisyon para sa aming dalawa kaya hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.
Nagpaalam si Aly sa akin na babalik na sa tabi ni Pavel kaya tumango ako. She was smiling apologetically at me, as if saying sorry that I have to endure this night being around the father of my child.
"Niyaya pa kasi kita." She sighed. "Hindi ko alam na pupunta rin siya, B."
"Ano ka ba," sikmat ko. "It's okay. I can survive this night without having to see him up close."
Humalik siya saglit sa pisngi ko bago tumalikod. Walang ganang ngumiti lang ako bago ituon ang atensiyon sa ibang kasama ko sa mesa, iniiwasang muling gumawi ang mga mata ko sa estante sa harap kung saan nagbibigay ng speech ang ama ni Gianna.
I know they say people should turn on the one they feel safest with instead of those who make them feel unsure about themselves. But what should I do if I felt both ways with him?
What should I do if I felt loved and at the same time, pained because Xavier cannot commit?
Hindi ko alam noon ang sagot. Pero ngayong nakalaya na ako mula sa pag-ibig na unti-unting umuubos sa akin, dapat kong patuloy na panindigan ang pinili ko.
I chose to bear the heartbreak now because I think it's for the best. To think how worthless my feelings are to him became the knife which set me free, it was the signal for me to make a decision for the both of us.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?