Chapter 12

2.3K 48 36
                                        

"Tita, pretty please?" Nag-puppy eyes pa si Ashton sa akin matapos sabihin iyon.

Bumuntong-hininga ako.

Ngayon ang pang-apat na araw na nagpunta si Xavier dito para maghatid ng umagahan. Halos hindi ko na nga nagagalaw ang cupboard ko tuwing umaga dahil naghahatid siya ng pagkain. Kaaalis lang niya nang sabihin sa akin ni Ashton na gusto nitong gumala bukas.

"Your Tito Xavier is a very busy man, baby. He can't ditch meetings para lang mamasyal," pagpapalusot ko.

Alam ko namang hindi mangingiming magpa-reschedule si Xavier sa mga katatagpuin niyang tao bukas kung meron man pero ayoko pa ring sabihin sa kaniya ang nire-request ni Ashton. Baka akala niya, inoobliga ko pa siyang tulungan ako sa pag-aalaga.

"Pero po..." nakangusong sabi ng magaling na bata.

Kinurot ko ang pisngi niya saka binigyan siya ng matunog na halik sa pisngi.

"Huwag mo nang ipilit, okay? I'll take you to the mall tomorrow para hindi ka puro cartoons," I said.

Sumimangot lang siya at saka nag-cross arms. Tumalikod siya at umupo ulit sa sofa para magpatuloy sa panonood.

"Maldito," bulong ko. Napangiti ako habang sinusundan ang mga galaw niya.

Balita ang naka-flash sa screen. Kinuha niya ang remote ng TV at inilipat ang channel habang parang iritado pa ang tikas ng maliit na katawan.

Nang dumating ang hapon ay dumaan ulit si Xavier. May dala siyang pagkain. Naghahapunan kami ngayon matapos nilang manood.

"Tito Pogi, are you free tomorrow?" tanong ni Ashton.

Natigilan ako at napababa ng kutsara bago siya sulyapan.

"I want to go to an amusement park po kasi pero Tita Bridgette doesn't want to. Maybe you can go with me?"

Sandaling natigilan si Xavier bago ako titigan. Pinanlakihan ko siya ng mga mata saka ako umiling.

"Sure, big boy," he said with a smile.

Pumalakpak si Ashton at tuwang-tuwa na nagpatuloy sa pagkain.

Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay kanina pa nakahandusay si Xavier sa lapag ng kusina. Inirapan ko siya sa sobrang inis ko.

He just shrugged it off and pretended that he didn't know what I'm mad about.

We finished our food. I asked Ashton to go to the bathroom for his half bath.

"Ako na lang kaya?" Xavier peeked on the comfort room's door.

"Anong ikaw? Baka magbasaan lang kayong dalawa rito." I rolled my eyes for the second time. "Hugasan mo na lang ang mga pinagkainan kung gusto mong makatulong."

"Alright."

Binalingan ko na si Ashton na nagkakaskas gamit ang loofah. He doesn't want me to watch while he's bathing because he's a big boy na raw but I told him that I need to be here in order to fight monsters trying to get into his skin.

"Tita, cover your eyes!"

Napatawa ako bago tumalikod. Ayaw ko lang naman siyang iwan dahil baka madulas siya rito sa banyo.

Nang matapos siyang maligo ay binalot ko na siya ng tuwalya. He wore his pyjamas and immediately went to sleep.

After making sure that his breathing is even, I went outside to check on Xavier. I found him drying his hands using a tissue paper. Mukhang katatapos lang din niyang mag-urong.

"It's already late."

"Yeah," he said as he tore his eyes off me. Ibinaling niya ang mga mata sa trash bin na pinagtapunan ng gamit na tissue.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"You really don't want me around, huh?" He smirked.

Before I even get to respond, he instantly turned his back to go on the living room. I tailed him and saw him getting something on the shoe rack.

"Baka umasa 'yung bata," sabi ko habang pinapanood siyang nagsusuot ng sapatos.

Napatigil siya saka tumingin sa gawi ko. Nakaupo siya sa sofa habang ginagawa iyon at ako naman ay nakasandal sa pinto ng kuwarto.

"Tuloy naman bukas."

"May opisina ka pa." I crossed my arms. "Kung ba't naman kasi um-oo ka pa kanina. Sana sinabi mo na sa susunod na lang."

"Walang problema sa akin kung gusto niyang pumasyal, Bridge. Kanina ko pa natawagan ang secretary ko para ma-reschedule lahat ng appointments ko for tomorrow," mataman niyang sabi. Tumayo siya nang matapos saka tumango sa akin. "I'll go ahead. Susunduin ko na lang kayo bukas ng umaga."

Hindi pa ako nakakapagsalita ay umalis na agad siya. I watched his back drawing farther before he closed the door.

Bakit ba kasi niya ginagawa lahat ng ito?

Kinabukasan ay mas nauna pang magising sa akin si Ashton. Alas-sais pa lamang ng umaga ay dilat na ang mga mata ko matapos akong yugyugin ng batang excited.

"Wow, you look so cute and handsome!" puri ko matapos siyang bihisan.

Nakangiti lang siya sa 'kin.

Hinalikan ko ang matambok niyang pisngi. Kahit maliit pa lang ay nangingibabaw na ang kagwapuhan na namana niya sa tatay niya. Siguradong pagkakaguluhan din ito ng mga babae paglaki.

Sandali pa kaming nagkulitan ni Ashton hanggang sa may kumatok na sa pintuan. Si Xavier iyon. Wala siyang dalang pagkain ngayon kaya naman nagtaka ako. Hindi pa naman ako nagluto ng breakfast.

"Let's go?" aniya pagkakita sa amin ni Ash.

Tumango na lamang ako saka kinuha sa kuwarto ang mga gamit na dadalhin namin. Paglabas ko ay karga na niya si Ashton.

"Puwede bang dumaan muna tayo sa drive thru? Hindi pa kasi kumakain 'yang batang makulit." Inginuso ko si Ashton.

"Sure," Xavier said. "Sorry if I forgot to bring food. Excited na kasi akong pumunta rito kaya... nawala sa isip ko."

"No biggie. Ilang araw mo na kayang sinasagot ang breakfast namin." Ngumiti ako.

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang nakatingin pa rin sa akin. Ibinuka niya ang mga labi niya pero hindi siya nagsalita. Parang sumasagap lang ng hangin dahil nahihirapang huminga.

"Okay ka lang?" Sinipat ko ang mukha niya.

Tumango siya saka muling lumunok. Ibinaling niya ang tingin kay Ashton kaya napadako ang mga mata ko sa tenga niya.

Namumula.

"Tara na po. My tummy wants some waffles."

Ang maliit na boses ni Ashton ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nauna na akong maglakad papunta sa pinto ng apartment at hinintay silang makalabas. Ini-lock ko iyon.

"Napatay mo ba lahat ng appliances diyan sa loob? Natanggal sa pagkakasaksak? 'Yung stove mo-"

"Okay na, na-check ko na lahat kanina pa. Masyado kang praning," wika ko kay Xavier.

Inilingan lang niya ang sinabi ko. "I'm just asking... Ayokong makita kang umiiyak 'pag uwi natin dito dahil sunog na ang mga gamit mo."

"Okay, Sir. Let's stop the argument and walk. Gutom na rin ako."

"Okay, Ma'am," he replied with a grin.





-

Whims of a VixenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon