Chapter 34

1.8K 40 1
                                    

I wasn't​ able to speak even after the car pulled over in front of the hotel's entrance. I am still in a state of shock. Kung sakaling isang pangalan lang mula sa dalawang narinig ko kanina ang kakilala ko ay hindi ako mababagabag ng ganito.

If I didn't know that they're both associated with Pavel, maloloko ko pa ang sarili ko na baka nagkataon lang at kapareho niya ng pangalan iyon pero hindi.

"Just stay by my side so you won't get lost." Inalalayan ako ni Weston sa paglalakad nang makababa na kami. He snaked his arms on my waist and pulled me closer so I can keep up to his pace.

Wala sa sariling napatango na lang ako habang inililibot ang mata sa paligid.

It was really far from what I expected. Ang akala ko talaga kanina ay parang intimate dinner lang, solely for catching up and meeting new people.

But none of my guesses were right. Sa labas pa lang ng hotel ay sobrang gara na ng pagkakaayos, may red carpet pa kaya mas lalo akong nailang.

We walked a bit faster to avoid cameras that are now focused on Aly and Pavel. Magkasunod lamang kasi ang pagbaba namin mula sa sasakyan at nauna lang sila ng kaunti. Napalingon pa ang gaga sa gawi namin kaya agad kong sinimangutan.

Ngumiti lang siya sa akin at bumaling na ulit sa kasama niya na kanina pa isinusubsob ang mukha niya sa dibdib nito, pilit siyang itinatago para hindi usisain ng mga lecheng reporters.

West and I entered the first double door room. As I roamed my eyes around the place, napansin kong sobrang dami ngang tao at mga mukhang mayayaman lahat. I even saw famous business magnates and celebrities! Kaya naman pala maraming media sa labas.

Hindi ko na napigilan ang pagkamangha sa paligid. I don't often attend formal gatherings with my family dahil hindi naman ako inaaaya nila dad. Isa pa ay hindi ko gustong makipag-sosyalan sa mga tao kahit mahilig din ako sa mga mamahaling bagay.

I can only find the comfort of luxury in private. Hindi ako 'yung tipo ng tao na mahilig mag-display. Mas komportable akong mangolekta at magwaldas ng pera na walang nakikisawsaw at nagtatanong kung magkano ang gastos ko sa mga designer bags and shoes na binibili ko.

"What's​ the purpose of this event? Puro alta," bulong ko kay Weston.

Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tenga ko. "You know Gianna Lacson?"

"The new candidate for Miss U?"

"Yeah. She organized this charity ball to raise funds for her upcoming projects."

Sa pagkakaalam ko ay socialite ang bagong nakoronahan at pambato ng Pinas ngayon. Anak ng isang business mogul at sikat dahil sa talento sa pagpipinta.

Hindi na ako nagtaka nang makita ang ilan niyang obra na nakasabit sa isang bahagi ng wall at napapalibutan ng nakakasilaw na ilaw. Nadaanan namin iyon malapit sa entrada ng malaking kuwarto. People are flocking on that side, pinupuri ang mga gawa ni Gianna na nakita ko namang ngiting-ngiti at nakalingkis pa sa isang lalaki.

Parang may kung anong humatak sa mga bituka ko at pinagbuhol-buhol iyon nang makita ang kasama niya. Napatigil din si Weston at hinila pa ako sa direksiyon ng dalawa.

"W-West, ikaw na lang. Uupo na muna ako." Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at huminto. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo.

"Masakit na ba ang paa mo?"

Gusto kong tumakbo palabas at umalis kahit kararating lang namin. Hindi ko alam kung anong mayroon ngayon at mukhang ginagago yata ako ng tadhana. Mukhang schedule ko ang araw na ito para humiling na kainin na lang ako ng lupa.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon