"Bakit ka naman kasi bumukaka at nagpapakangkang kung ganyan ang sitwasyon? Nag-iinit ang ulo ko sa 'yo!" kunsumidong sabi ni Aly.
"Hoy, 'yung bibig mo! Nandito lang si Ashton, oh!" Tinanaw ko ang anak niya na nasa sala habang nanonood ng TV.
"Hindi naman niya tayo naririnig kahit maghihiyaw ako rito. Tutok na tutok sa cartoons 'yan." Binuksan niya ang garapon ng chocolate spread saka inabot sa akin.
I didn't respond and just extended my arm to reach for another loaf of bread.
Aly sat on the other side of the table top. "Magang-maga 'yang mata mo. Huwag mong sabihing nakagat ka lang ng ipis?"
I rolled my eyes at her.
"Iniyakan ko si Xavier kaya ganito ang nangyari sa mga mata ko. Ayan, okay na?" tanong ko sa sarkastikong tono.
Humalakhak lang siya at tinudyo ako dahil mukha raw akong nasuntok.
Nandito ako sa condo ng mag-ina ngayon. Ang gara ng interior ng lugar. The unit is actually bought by Pavel so I wasn't really surprised with the extravagance.
Aly said that her ex doesn't want them to live in their old apartment because there's no tight security. And for the brute to just stop being dramatic, pinagbigyan na ito ni Aly at tinanggap nila ang condo na pilit nitong pinatitirhan sa kanila.
Minsan nga ay gusto ko na lang ding sabunutan si Aly sa pagiging denial queen niya. Halata namang gusto niya pa rin ang ama ng anak niya pero ayaw pa ring umamin.
But I think it's just a good thing na hindi siya nagpapadala at bumigay agad. Magandang pahirapan niya muna ang mokong na iyon pagkatapos ng lahat ng ginawa noon sa kaniya.
"Oh, ano na ang plano mo niyan ngayon? Sabi mo, siya ang tumulong sa 'yo dati nung napalayas ka nila Tito, 'di ba? Dapat kasi nagsabi ka sa akin para hindi na umabot sa ganito," aniya.
Kagabi lang nangyari ang lahat pero hindi ko na agad nakayanan ang pagkikimkim. Kailangan ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob kaya pumunta ako rito.
"Alam kong nahihirapan ka rin noon sa pagpapalaki sa anak mo. Ayokong dumagdag na palamunin, 'no. Wala pa akong masyadong alam sa buhay noon kaya ayaw kong maging pabigat sa ibang tao."
"Ah, kaya isinangla mo na lang sa lalaking 'yon 'yang kiki mo?" Tumango-tango siya bago kumagat sa tinapay.
"Hoy, grabe!" Medyo naeskandalo ako sa sinabi niya. "Pero... parang ganoon. Tanga ko ba masyado?" ngiwi ko.
"Oo, gaga. Dinaig mo pa yung katangahan ko nung pinatulan ko si Pavel."
Napatawa ako roon.
"Kamusta naman kayo ng tatay ni Ash?" pagbabago ko sa usapan.
"Ayos lang," simpleng tugon niya.
Naningkit ang mga mata ko kahit singkit na iyon dahil sa pamamaga. Sinuri ko ang mukha niya.
"I'm not gonna tell you anything. Ayokong magkuwento." Umirap siya sa akin.
Napangisi ako sa hindi direktang pag-amin niya.
"Tinikman mo ulit?" tanong ko. "Dakota pa rin ba o lumiit?"
"Ang bastos!" she said along with her wide eyes. Binato niya sa akin ang kutsara na nailagan ko naman. Gumawa iyon ng ingay noong bumagsak sa tiled-floor.
"'My! What's that?!" rinig namin hiyaw ni Ash mula sa kabila.
"Wala, baby. Naibagsak ko lang ang kutsara!"
Hindi na tumugon ang batang makulit.
Bumaling sa akin si Aly. "Iniiba mo lang ang usapan, eh! Saka lumiliit ba 'yon?"
"Ewan ko." Nagkibit-balikat ako saka humalakhak.
"So, ano na nga? Anong balak mong gawin ngayon diyan sa relasyon niyo ni Xavier?" Umikot siya at pinulot din ang binatong spoon.
"Wala na nga." Napabuntong-hininga ako. "Baka ibalik ko rin lahat ng bigay niya sa akin para maka-move-on ako."
"So, inaamin mo na? Na mahal mo?"
Hindi ako sumagot.
"Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala 'yung itsura mo kahapon noong sinabi niyang magkaibigan kayo, parang natatae na ewan," iling-iling niyang sabi. Ibinaba niya ang tasa ng kape sa harap ko.
"Actually, kahit ako ay naguguluhan din dito sa feelings ko. Gusto ko siyang makasama pero alam mo iyon? 'Yung takot ka na masanay na lang sa pansamantalang binibigay niya kasi alam mong hindi naman kayo pareho ng nararamdaman? Sinabi niya nga na sawa na siya. Naisip ko na ayokong mas tumagal pa 'yung kung anong meron kami para maiwas ko na ang sarili ko sa mas matinding sakit."
"I know how it feels, B. Hindi madali pero kung gusto mo talagang tanggalin siya sa buhay mo, siguruhin mo muna kung ano bang tunay na sinisigaw ng puso mo. Mag-usap kayo. Tanungin mo siya kung anong nararamdaman niya bago mo pagsisihan."
"I already did."
"Sigurado ka? Ano bang tinanong mo? Baka naman hindi mo naiparating 'yung gusto mong malaman?"
Natameme ako sa sunod-sunod niyang sinabi.
"Alam mo kasi, Bridgette, 'yung mga ganyang tipo ng lalaki kay Xavier, hindi agad 'yan aamin sa nararamdaman nila. Matataas ang pride ng mga 'yan! Habulin ng mga babae kaya sanay na hindi sila ang nauunang magsabi," aniya.
"May gano'n?"
"Oo. Pero baka naman kasi hindi mo talaga tinanong kung gusto ka rin niya? Ano bang sinabi mo kagabi?"
"Wala." Umiling ako. "Forget it. Ibabalik ko na lang lahat sa kaniya pagkatapos nito. Pagod na rin akong makipag-patintero sa lalaking 'yon. Masyadong magulo ang mga kilos niya."
"Bahala ka nga. Hindi na kita papakialaman since hindi ko naman alam lahat ng nangyari. Pero sana bago ka gumawa ng desisyon, i-consider mo muna na kausapin siya. Malay mo, 'di ba? Baka maayos niyo pa."
Tumango na lamang ako kahit wala akong balak na sundin iyon. Hindi ko na gugustuhin pang tanungin kung may nararamdaman din siya dahil malinaw naman kagabi na wala talaga.
Galit siya. Iyon lang siguro ang nararamdaman n'on. Baka naiinis pa nga dahil nagawa kong magsalita ng kung ano-ano pagkatapos ng lahat ng naitulong niya sa akin.
I sighed when I remembered the cafe. I should have been there now, working my ass off because I was gone for a week but I can't manage to think that I'd be reading reports after the incident last night.
At saka ano pa ang silbi ng pagpunta ko roon kung ibabalik ko rin naman iyon? Hindi na sa akin ang cafe ngayon. It was actually his from the beginning. It was built out from his own money. Ngayong wala na siyang mapapala sa akin, dapat lang na ibigay ko na sa kaniya ang karapatan doon. Hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko para habulin pa ang ownership pagkatapos ng lahat.
I will give it back to him.
-
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?
