Chapter 13

2.1K 52 52
                                    

"Thank you po," Ashton murmured politely as I hand him the waffle.

Nakakandong siya sa akin dito sa passenger seat ng kotse. Kadaraan lang namin sa drive thru at nagsisimula na kami sa pagkain habang si Xavier naman ay tuloy lang sa pagmamaneho.

Napatingin ako sa mga balot ng pagkain sa dashboard​. Umorder siya ng four large fries at dalawang waffles​, tatlong cheese burgers and one iced coffee para sa kaniya. Juice naman ang para sa amin ni Ashton.

He's always this generous. He wouldn't think twice on spending money for people around him, kilala man niya o hindi. What's there to not understand? He's rich. He can buy everything for anyone and he will never go bankrupt.

Halos makalahati ko na ang cheeseburger ko nang maalala kong hindi pa rin pala siya kumakain.

"Teka... ihinto mo muna kaya ang sasakyan at kumain ka muna? Hindi ka pa rin nagb-breakfast, 'di ba?" tanong ko.

Xavier threw me a sideway glance. "I can't stop driving. Sayang ang oras."

"Pa'no ka?"

"Subuan mo 'ko," he casually suggested.

Bahagya akong nagulat dahil doon. Umiling ako at kunot-noo siyang tinignan.

"Tita, go on. I can sit at the back for the meantime​ po so you can feed him," ani Ashton. Tumingin pa siya kay Xavier saka ngumisi.

Tumawa lang ang mokong. "Narinig mo? Maawa ka naman sa 'kin, baby. Hindi puwedeng gutumin ang driver."

My eyes squinted.

Why is he suddenly this playful? Nalimutan na ba niya kung anong ginawa niya noong nakaraan?

"Upo na po ako sa backseat!" Tumayo si Ashton.

Dahil mapilit siya ay hindi ko na rin napigilan. Maingat ko siyang inilipat sa likod. Ibinigay ko rin ang pagkain niya roon. Bumaling ulit ako kay Xavier.

"We could have just eaten breakfast at the fastfood chain earlier." Binuksan ko ang balot ng cheeseburger saka iniumang ito sa tapat ng labi niya. "Here," labag sa loob kong ani.

Kumagat siya sa hawak ko. He chewed the poor buns with beef while his eyes are still focused on the road.

"No, this is fine." He grinned.

Tumikwas ang kilay ko at ibinaba ang hawak na burger.

Sumulyap siya sa akin at agad na itinuon ang atensiyon sa kalsada. "Mas ayos na 'to kasi maaga tayong makakarating," agap niya.

Napaismid ako.

Tumawa lang siya at inginusong muli ang pagkain. Nakitawa naman si Ashton kaya napatanaw rin ako sa likod. Mukhang hindi naman gets ng bata pero nakiki-ride pa rin sa kung anong ikinasasaya nitong isa. Sinubuan ko na lang siya ng fries.

"Gusto ko rin. 'Yung may ketchup," papansin ni Xavier.

Kinuha ko ang paperbag at hinanap ang tissue pati na rin ang pack ng tomato ketchup.

Ipinatong ko ang tissue sa hita ko saka ibinuhos ang ketchup doon. Halos buong duration ng paglabas namin sa area ng Manila ay sinusubuan ko lang silang dalawa. Pinipigilan ko lang matawa kay Ashton dahil halatang nakikigaya lang siya kay Xavier sa pagpapasubo.

"Ubos na," sabi ko saka sininop ang kalat namin. Kinuha ko rin ang pinaglagyan ng mga kinain ni Ash sa likod at inilagay sa paperbag.

Silence enveloped us. Kinabig ni Xavier ang preno para kausapin ang nasa tollgate.

Bumaling ako sa labas at tinignan ang malawak na lupain sa gilid ng national highway. Kinakain na ng liwanag ng araw ang dilim na bumabalot sa kalangitan. Pumikit ako at ninamnam ang lamig ng hangin mula sa aircon na tumatama sa mukha ko. Kung puwede lang na buksan 'tong bintana, sariwa sana ang nalalanghap ko.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon