Minsan, sa takot nating mawala ang ang isang bagay ay pinipili nating tiisin lahat ng sakit kaysa bitawan iyon. Pinipili nating magpakatanga para maramdaman pa rin ang hatid na saya ng bagay na gusto natin kahit panandalian lang at mas lumalamang ang kirot.
We tend to put ourselves in a lower pedestal just to feel the warmth of the things we value the most. Kahit kaakibat pa noon ang sakit. Kahit alam mong naagrabyado ka. We oftentimes forget what we actually deserve because we focus on the thought of avoiding bigger heartaches.
No man in his right mind would want pain alone. Kaya karamihan sa atin ay nagtitiis para lang makaranas pa rin ng kahit kaunting saya. Hinahayaan natin ang mga sarili nating piliin ang kung ano ang mas makakapagpahaba sa oras para makaiwas tayo sa panahon na dapat na nating bitawan ang isang bagay. Pinipili nating ilagan ang pag-alis.
Kasi takot tayo sa pagpapaalam.
We are afraid of the end. We are afraid of the happy memories that will haunt us after goodbye because it will eventually turn into something painful. We are afraid for something... someone... to leave a void in our life.
And because of it, we don't realize much that we are just choosing to prolong our agony. Mas pinapahaba lamang ang sakit na hindi naman natin talagang maiiwasan. Mas pinalalala. Mas pinapalaki habang tumatagal.
Buti na lang... buti na lang at wala na ako sa phase na iyon. Sa phase ng pagiging martyr at tanga.
Napayuko ako mula sa pagtanaw sa mahinang sayaw ng dahon na tini-trim ni Marilyn sa may kalayuan. Ibinaba ko ang hawak kong mug at binuklat ang folder na naglalaman ng mga interior designs na nai-present ng kinuha naming tao para sa bagong branch.
Abala ako sa pagsipat sa mga detalye ng disenyo nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at agad na sinagot ang tawag ni Alyssa. Mukhang na-miss na ako.
"How's Ashton?" Inipit ko ang aparato sa pagitan ng tenga at balikat ko para mailipat ang makinis na pahina ng mga printed na litrato.
"Ito nga, ayos lang naman. Tinatanong-tanong si ano sa akin kaya naalala kitang yayain mamaya."
Mag-iisang linggo na mula noong huli ko silang makita. I didn't find time to visit them at their condo because I was busy with business and they went on a trip with Pavel outside the country too. Kauuwi nga lang nila noong isang araw.
"Si ano?" Nangunot ang noo ko. "May pasalubong ba 'ko sa inyo?"
"Oo naman!" she said. "Pati baby mo, binilhan ko na agad. May regalo na ako sa binyag!"
"Hindi pa kita kinukuhang ninang, ah?" I laughed and flipped the page to see the next illustration. "Ano pala 'yung sinasabi mo kanina?"
"Yayayain sana kitang mag-dinner mamaya."
"Anong oras ba?"
"Mga eight o'clock. Sabi ni Pavel ay may mga kaibigan daw siya roon. Ayaw ko namang matengga lang dahil for sure ay hindi ko kakilala ang mga tao so..."
"Isasama mo ako para 'di ka ma-bore?" I half-jokingly said.
"Hindi naman sa ganoon, gaga! Siyempre na-miss din kita dahil ikaw na lang ang natirang kaibigan ko rito sa Manila. 'Tsaka meron din kasi akong chika."
"Tsismosa." Inismiran lang niya ako. "Sige na nga. Saan ba 'yan?"
It's been too long since the last time I went out. Lagi akong nasa loob ng bahay at hindi pa ako maaarawan kung hindi lang dahil sa paglabas ko dito sa hardin. Mabuti nga ay hindi ako namamatay sa pagkabagot.
"Susunduin ka na lang namin sa bahay niyo."
"Sige."
She told me that the dinner will take place on a hotel restaurant. Hindi niya nabanggit kung ilan ang kasama namin pero hindi ko na rin tinanong pa dahil ayos lang naman sa akin kahit marami. Nang magpaalam siya ay ibinaba ko na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomansaBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?
