Chapter 6

2.6K 60 68
                                    

"Kamusta 'yung lamesa sa garden?" I asked my staff.

Kadarating ko lang galing sa labas dahil inaya akong mag-mall ni Keesha. Kanina pa dapat ako nandito pero natagalan dahil nag-pick up pa ako ng mga items from suppliers na gagamitin sa mga pastries bukas. May ilan kasi na hindi available ang delivery truck kaya ako na ang kumuha. Sayang din ang gas kaya isinabay ko na sa pagbalik dito.

"Naayos na po, Ma'am."

Tumango ako at nagbilin pa ng mga gagawin bago muling pumasok sa opisina ko. Umupo ako para i-check ang reviews ng mga nagpapa-deliver drinks and cakes from our cafe sa social media sites namin.

Ilang sandali pa ay gumawa ng tunog ang phone ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Xavier ang tumatawag doon. I hit the green button bago itinapat ang bibig ko sa mouthpiece.

"Bridge, I'm already here," anas ni Xavier sa kabilang linya.

Napadako ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding. 6 o'clock pa lang.

"You're too early," matabang kong sabi.

I heard him sigh on the other line.

"Gusto lang sana kitang makita ng mas maaga."

Kung ibang senaryo siguro ito at kung hindi ako galit, baka sinabayan niya na rin ang pagmamaldita ko. Pero siya ang may kasalanan ngayon kaya siguro hindi niya ako pinapatulan.

Umismid ako. "Ang sabi ko, alas otso. Hindi ka marunong sumunod. Bahala kang maghintay!" Ibinagsak ko ang tawag.

Hindi ko siya nilabas kahit na makailang beses pa akong pinasok ng mga tauhan ko sa loob. May naghahanap raw sa akin at kanina pa naghihintay.

Napairap ako sa hangin. Kahit maburo siya roon, wala akong pakialam.

"Hello," galit na sagot ko sa tawag ni Weston.

"Bridgette, binasted ako ni Keesha ngayon-ngayon lang," malamig na bungad niya. "May sinabi ka ba sa kaniya? Okay pa kami kaninang umaga at nag-text pa siya sa akin na yayayain ka raw niyang lumabas."

"Oh, bakit parang nasa akin ang sisi? Maybe she had a hunch na gagaguhin mo lang siya kaya hindi na nagpakatanga." Mataray ang tono ko nang sabihin iyon. "Well, totoo namang paglalaruan mo lang siya, hindi ba? Para sa mahal mong kotse."

Harris snickered after hearing what I said.

"Don't use that tone on me, Bridge. Sinabihan mo ba siya na huwag akong sagutin? Siniraan mo siguro ako, ano?" aniya sa nang-aakusang tono.

"Siniraan?" I dropped the paper I'm holding and stood up before sitting on the couch. "Ulol, sira na talaga ang image mo dahil babaero ka! 'Wag mo nga akong sisihin dahil inayawan ka ni Keesha!"

"I lost my Lambo because you ruined the bet, Bridge!" he whined.

He's not acting his age again. Kahit walang nakakaiyak ay parang maluluha ako sa akusasyon niya. Iniisip niya talagang kaya ko siyang ipagkanulo.

"Bakit ako? I just did you a favor tapos ako pa ang sasalo ng sisi ngayon?"

"It's clearly your fault because you were the one whom she talked lastly today," sabi niya.

Mas lumala ang inis na nararamdaman ko. Nanikip din ang dibdib ko dahil alam ko naman sa sarili kong wala akong nagawang masama kahit pa tutol ako sa kagaguhan niya.

"Baka naman may sinabi ka noong nagkita ulit kayo kanina?"

"Don't point fingers, West! Wala akong sinabing ikasisira mo," mariin kong saad saka lumunok.

Hindi ko na matandaan ang mga pinagsasabi ko noong magkasama kami ni Keesha one week ago pero wala akong maalala na nilaglag ko siya. Kahit kanina na nasa mall kami, ni hindi ko nakamusta ang relasyon nilang dalawa dahil ayaw ko na ulit mangialam.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Pumiyok ang boses ko.

Narinig kong bumuga siya ng hangin sa kabilang linya. "Sige na, don't bother explaining."

"Weston, I swear, wala talaga akong sinabi." Pinilit kong kalmahin ang boses ko nang sabihin iyon.

"Oo na nga. Naniniwala na ako." I heard him blew a loud breath. "Sorry for putting the blame on you right away." Nagkaroon ng suyo ang tono ng boses niya.

"I'm sorry for shouting too. I just..." Napailing ako at napahawak sa kanto ng working table ko. Parang lahat ng galit ko sa kaniya mula noong mga bata kami... bumalik. "Pasensiya na."

Narinig kong muli ang buntong-hininga niya.

"Ibababa ko na 'tong tawag. Sorry kung nakaabala man ako."

Hindi ako sumagot kaya nagsalita ulit  siya.

"'Wag mong kalimutan 'yung sinabi ko kahapon. Hahanapin ka nila mommy sa bahay kaya pag-isipan mong mabuti kung titira ka rito kahit ilang linggo lang," paalala niya sa usapan namin.

Tumango ako na parang kaharap siya at tinapos na agad ang tawag.

Napatulala ako matapos iyon.

I suddenly remembered hating him for doing crazy things and for being our parents' favorite. Ni hindi nga niya ako matawag na ate pero alam ko naman na kahit papaano ay may pakialam siya sa akin. And the same goes for me with him, too. Sadyang hindi lang siguro kami madalas nagkakasundo sa ibang mga bagay at nagseselos ako sa atensiyong ibinibigay sa kaniya nila daddy kaya lagi kaming magkaaway.

Kumurap-kurap ako para iwala ang kaunting luha na namuo sa gilid ng mga mata ko. Iwinaglit ko muna sa isipan ang mga nagpapagulo sa akin saka nagpakawala ng malalim na hininga pagkaraan para magpatuloy sa trabaho.

I know this isn't the right time para magbalik tanaw. Marami pa akong kailangang gawin at hindi ako dapat nagpapadala sa pagdagsa ng mga pangyayari noon sa utak ko.

I tried to disregard the heavy feeling on my chest.

I made several calls for our upcoming anniversary promo at saka huling tinawagan ang isang shop na nagsusupply ng edible flowers sa cafe ko. Nilalagay namin ang mga iyon sa cakes and other pastries para magmukhang maganda. Isa iyon sa mga binabalik-balikan dito sa amin dahil mabenta. Mas mataas nga lang ang presyo kumpara sa ibang mga normal na cakes.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakaupo doon. I stretched my back nang makaramdam ng ngawit. Saktong pagbaba ko ng telepono ay tumunog naman ang seradura ng pinto.

"Ma'am, it's already eight. Handa na po 'yung dinner niyo sa garden," Mina said as she peeked through the door. She's got this annoying grin on her face.

"What?"

"Eight o'clock na po. I told him to go outside tapos tatawagin ko na lang po kayo. Baka lumamig po ang pagkain at mainip ang date niyo."

I mentally grunted at the last two words.

"Pakainin mo na siya. Sabihin mo umalis na ako," wika ko sa mababang boses.

"Po? Kanina pa po 'yon nag-aantay dito tapos papaalisin lang?" hinayang na sabi niya. Mukhang may halong awa rin dahil kanina pa siya pabalik-balik dito para tawagin ako.

Naningkit ang mga mata ko dahil doon. Pinalabas ko siya kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumunod sa akin.

Ilang sandali pa ay naisipan kong hindi rin maganda kung idi-ditch ko ang dinner namin. Baka isumbat pa ni Xavier ang hindi ko pagsipot sa usapan 'pag nagkataon, masabihan pa ako ng walang isang salita. Hindi puwedeng may masabi siya. Ako lang dapat ang nagmamaldita.

Inayos ko muna ang sarili ko. Nag-retouch ako ng make-up at nagsuklay ng buhok para magmukhang presentable.

I wore my heels and stood up. Kinuha ko rin ang bag ko at ang ilan pang gamit para hindi na ako babalik dito mamaya.

Pinasadahan ko ng huling haplos ang buhok ko saka dumiretso papuntang entrance ng garden.









-

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon