Chapter 30

1.9K 49 29
                                    

The night is still young. I gazed down at the flickering lights​ below. This kind of scenery seem to never lose its appeal even if I've already seen many like it before. The shimmering yellow and whites scattered across gives me inner peace.

Hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa tuwing nakakakita ng ganito.

Pumikit ako at ninamnam ang saglit na pag-ihip ng hangin. Tinangay niyon ang buhok ko. Sinikop ko ang mga tumakas na hibla at tinalian gamit ang panyong dala.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga nagniningning na ilaw ng mga establisyemento sa mababang lugar ng Tagaytay. Kasama ko pa rin si Caleb. He figured that I like this place because I was happy the first time he brought me here.

Nilingon ko siya. Nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa movie teaser na nagpe-play sa laptop. Napagpasyahan kasi naming manood dahil wala naman kaming iba pang maisip na gawin bukod doon.

"Jowain na lang kaya kita para makapunta ako rito palagi?"

"For that reason?" He faced me with a slight pout. "Hindi mo naman ako type tapos gagawin mo akong boyfriend."

"That'll bruise your ego, 'no?" Napailing ako at tinampal ang kamay niyang kukuha sana ng banana chips sa plastic na hawak ko.

"Let me taste it. Tignan ko lang kung masarap!"

"Ayoko."

"Ang damot," maktol niya habang bahagyang nakangisi. "Pera ko naman ang pinambili riyan, ah?"

Siya na naman kasi ang gumastos sa lakad namin. Tulad noong unang labas namin ay nag-foodtrip ulit kami at kumain ng maraming bulalo kanina. Bilib na rin ako sa pagiging gala ng lalaking 'to. Mas maalam pa sa akin sa mga lugar na malapit sa Manila kahit mas malayo ang pinanggalingan niya.

"Isa lang naman kasi." Inabot niya ulit ang hawak ko.

And then seconds later, we played tug of war. Ayaw niyang magpatalo dahil pinaninindigan pa rin niyang siya ang may mas karapatang magdamot dahil siya raw ang bumili. Nakailang hatak pa ako bago siya tuluyang sumuko.

"Para kang tanga! Ang dami dami sa paper bag tapos nakikipag-agawan pa sa 'kin."

Humalakhak lang ang hinayupak.

"Kumuha ka na lang ng bago. 'Wag 'tong kinakain ko!"

Caleb mimicked my voice so I threw dagger stares at him. Tawa-tawang inabot lang niya ang lagayan ng pagkain sa gilid ng sofa bed na inilabas namin para higaan ngayon kasama ng ilang unan dito sa malaking balkonahe.

"Hanging out with you is hard. You're not a fan of sharing food."

I rolled my eyes. "Intindihin mo na lang ako. May pinagdadaanan ako ngayon kaya magtiis ka. Ikaw kaya ang nag-aya sa akin na gumala."

Naging pagnguso ang ngisi niya. "Women and their unreasonable requests."

"You asked for this."

"I did? When?" Inilapag ang laptop sa bandang paanan namin. Inaya niya akong dumapa gaya ng puwesto niya ngayon. "Minsan talaga... naaabuso niyo na kaming mga lalaki."

Pabirong kinonyatan ko siya sa noo. "Tigilan mo na ang reklamo. I-play mo na 'yan para makasimula na."

"Aray!" reklamo niya at hinimas ang pinatamaan ko. "You're too violent! Thank God I didn't continue pursuing you."

"Aba!"

"You hit me with your small hands every damn time! Ang bigat-bigat ng kamao mo kahit ganyan, babe."

"Babe?" My eyes almost popped when he nodded cutely. "May paganon na ngayon?"

"Oo."

"Akala ko ba hindi mo gustong mag-girlfriend ng bayolente?"

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon