Chapter 16

1.8K 46 24
                                    

"Monkey!" turo ni Ashton nang tanungin siya kung anong stuffed animal ang gusto niyang makuha.

Agad namang naghulog ng coin si Xavier nang marinig ang naging sagot ng bata.

Pinanood ko lang silang maglaro sa claw machine. Kanina pa ako nakatayo rito sa gilid, hawak ang mga gamit namin at ilang pinamili pero parang hindi nila ako napapansin dahil masyado silang focused sa isa't-isa. Pakiramdam ko nga ay date ito at ako ang third wheel.

Napairap ako.

"Here you go." Ibinigay ni X ang unggoy kay Ashton.

Niyakap agad ito ng bata na nag-aya na naman sa basketball. Nauna na itong maglakad habang ang kamote naman ay sumulyap muna sa akin.

"Hey, Bridge. Tara na," pag-aaya niya nang makitang hindi ako gumalaw para makaalis sa puwesto.

"Nakikita mo 'ko?"

"What?" Bakas ang pagtataka sa mukha niya, mukhang walang ideya sa sinasabi ko.

"Akala ko hindi niyo ako nakikita ni Ash. Masyado kayong abala sa isa't-isa. 'Di niyo na ako pinapansin," nakaismid kong turan.

Sa halip na mahiya sa sinabi ko ay napangiti pa siya.

"Are you jealous?" Nagniningning sa pagkaaliw ang mga mata niya.

"Pinagsasabi mo?"

"'Wag mo nang itanggi." Lumapit siya saka pinaraanan ng hintuturo ang ilong ko. "Selosa. Namamawis ang ilong."

Naningkit ang mga mata ko. Tinabig ko ang kamay niya na agad niyang ikinatawa.

"Hindi ko naman inaagaw sa 'yo si Ashton. Don't be too harsh on me, baby."

"May sinabi ba akong inaagaw mo siya? Wala ka ngang narinig sa akin kahit na halos 'di ko na makausap 'yung pamangkin ko sa tuwing dumadalaw ka pagkatapos ng trabaho. Kapag ako lang ang kasama sa bahay, ikaw ang laging hinahanap pero may narinig ka bang reklamo? Wala naman, 'di ba? Saan mo nakuha 'yang pinagsasabi mong nagseselos ako?" Napahingal ako.

Nakamaang lang siya sa 'kin habang naroon pa rin ang nakakainis na ngisi sa mga labi niya. He's really enjoying this, huh?

"Okay. Sabi mo, eh," aniya at nagkibit-balikat. Tinalikuran niya ako saka sinundan si Ashton na nagtatatalon at tinuturo ang gustong isunod na laro.

Nag-init ang ulo ko doon pero pinigilan ko na lang ang tumili sa inis.

Buong umaga ay nakatambay lang kami sa mall, paikot-ikot habang nagkukulitan ang dalawa. Hindi ako nagsasalita kaya nang mapansin ni Xavier iyon ay nag-aya na siyang magtanghalian.

"Where do you want to eat?" he asked while looking at me.

"Si Ashton ang tanungin mo. Okay na ako kahit saan." Nag-iwas ako ng tingin at saka inilipat sa isang kamay ang mga laruang pinamili namin dahil nakaramdam ako ng ngawit sa kabila.

Bumaba ang tingin niya sa mga iyon. "Akin na nga 'yan."

"'Wag na. Buhat mo pa 'yung bata. Baka mabigatan ka lalo."

Umiling lang siya roon at pilit na kinuha sa akin ang paper bag. Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lang siya sa gusto niya.

Pumasok kami sa isang fastfood chain sa loob ng mall. Maaga pang masyado para sa lunch kaya marami pang bakanteng table. Napili nilang upuan ang mesa malapit sa salamin.

"Stay here. Ako na ang oorder." Naglakad ako papuntang counter na hindi inaantay ang sagot nila.

Kanina pa nagbabayad si Xavier sa mga kinakain namin at nakakahiya namang siya pa rin ang hayaan kong magwaldas ngayon. Though, alam kong wala namang problema sa kaniya ang pera dahil umaapaw ang bank account niya sa dami ng laman noon.

Malapit na ako sa unahan ng pila noong maramdaman ko si Xavier sa gilid ko. Napatingin ako sa likod at nakitang titig na titig lang sa kaniya ang mga kasunod namin. Ni hindi man lang naisipang magreklamo dahil may sumingit!

Most of the people on line are women. They were gawking at Xavier, mukhang wala nang pake kung maunahan dahil gwapo naman ang sumingit sa pila.

"Anong ginagawa mo rito?" mariin kong bulong para itago ang pagkamangha sa gwapo niyang get-up. Ngayon ko lang napansin ang porma niya dahil naiinis ako kanina. Tapos ang bango pa niya. Huminga ako ng malalim para simpleng makasinghot.

Ngumiti lang siya sa akin at iniabot ang itim na wallet. Makapal iyon at tanaw ko ang ilaw lilibuhing pera sa gilid. Parang marami ring nakasaksak na cards kaya daig pa ang de lata sa pagkasiksik.

I raised one of my brows.

"Anong gagawin ko riyan? At bakit iniwan mong mag-isa si Ashton doon sa table?" Binahiran ko ng inis ang boses ko.

Nawala ang kurba sa mga labi ni Xavier.

"May kasama siya roon. I just want to pay for our meal kaya pinuntahan kita."

"Don't bother. May pera ako." Ibig kong magkanda-ubo roon. Kung hindi rin naman dahil sa kaniya ay wala akong datung ngayon. Pero kahit na.

"Ayokong pinagbabayad ang babae kapag may date, Bridge."

Halos matumba ako sa sinabi niya. Nasa harap na kami ng pila at tinatanong na ako ng nasa counter.

I bet my face is crimson red right now. Hindi naman iyon nakakakilig, ah? Pero-

"Ano ba?!" galit kong sabi nang iabot niya ang buong isang libo sa babae.

"Let me pay," he insisted.

"Hindi na nga. Get back on the table and let me pay!" inis na sabi ko.

"Hayaan mo na 'yung jowa mo, girl! Kanina pa kami rito sa likod niyo, baka hindi na kayo matapos diyan!"

Napalingon ako nang sumabat ang bakla na nakapila rin.

"Kung ako sa 'yo, hindi ko 'yan tatanggihan. Masarap ang libre," dagdag ng isa saka sinulyapan si Xavier nang sabihin ang huling pangungusap.

"Masamang sumabat sa usapan ng iba, mga Sir." Diniinan ko ang huling kataga sa sobrang inis. Narinig ko ang singhapan ng iba nilang kasama sa likod.

"Mamsh, Sir ka raw! Payag ka ba ro'n?" a man in his chubby figure shrieked.

Natawa ang ilan sa mga nakapila. Si Xavier naman ay abala pa rin sa pagkausap sa babaeng kumukuha ng order namin.

"Buti na lang maganda ka, girl. Kung hindi ko hinahangad ang ganyang beauty, nakahandusay ka na dito sa tiles ng Jollibee." Umirap ang isa sa akin at nag-walk out. Sinundan siya ng mga kasama niyang tatawa-tawa pa rin.

Pagtingin ko sa paligid ay nakatunghay na pala sa amin ang mga tao. Kahit ang ilang kumakain sa gilid ay napatigil din dahil sa ingay ng baklang naka-hot pink na wig.

Nangingiting umiling lang si Xavier sabay kuha sa kamay ko para hatakin ako mula roon.

"You don't talk rudely to people like that, baby. I don't want to see you in a catfight. Buti na lang at mabait 'yon."

"Mabait? Sinabihan ka lang ng masarap, mabait na?" I sarcastically said.

Napahalakhak siya habang naglalakad kami.

"Libre raw ang masarap, hindi ako. Iyon ba ang iniisip mo kaya nakipagsagutan ka?" He's got this annoying grin on his face.

Napairap ako bago hilahin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Feelingero kang masyado! I will never involve myself in cheap flights like that for you," mataray kong ani. Nauna na akong maglakad at iniwan siya roon.








-

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon