Chapter 45

2.2K 43 1
                                        

Ikinagulat nilang lahat ang sinabi ko. Mom is staring at me with a worried expression and Weston is looking intently with a questioning face. Ngumiti lang ako sa kanila at muling bumaling kay Dad.

"I'll marry Xavier. The Montoyas will be the only escape for us now."

"Are you sure?" nananantiyang tanong ng Daddy. Napalitan ng pagkabahala ang malamig na reaksiyon niya kanina.

Alam kong naguguluhan sila sa biglaang pagsasabi ko noon. Kamakailan lamang ay hindi ko pa gusto ang ideya pero heto ako at mismong harapan pa na nagsasabing ayos lang sa akin ang lahat.

Tumango ako. "I need to do this. Hindi naman mahalaga na... hanapin niyo pa ang ama ng baby ko. I think Xavier will be a good father figure." Gusto kong masuka.

Dad's eyes softened. He nodded at my way and cleared his throat before averting his gaze. "T-That's good then. I thought I'll be forcing you to do so."

Pakiramdam ko ay pinisil ang puso ko nang mabanaag ang panginginig sa boses niya. Ngumiti ulit ako sa kabila ng pagiging emosyonal para itago ang nararamdamang pangingiyak.

"I'm sorry, 'nak," Mom apologetically murmured after rubbing Dad's back.

"Don't say sorry..."

Natapos ang dinner namin sa tahimik na paraan. Parang nawala bigla ang kagustuhan kong um-order ng salmon bago maipasok sa usapan ang mga Montoya. Kahit ang dessert na noon ko lang natikman ay halos hindi ko na-enjoy dahil sa pag-iisip.

Sinabi ni Dad na arranged na raw ang appointment namin kina Xavier at sa ama nito ngayong Sabado. Inimbita kami ng matanda sa mansyon nila at hindi pa naman ganoon kabastos ang pamilya namin para tanggihan ang alok na iyon. Pumayag sila Mommy dahil na rin sa kasunduan nilang ayusin ang lahat sa mas payapang paraan.

Pabalik na kami sa Audi ni West nang kausapin ko siya ulit. Pansin ko kasi ang pananahimik niya mula noong sabihin ko ang pagpayag ko sa kasal. He looks forced with the food during our dinner too.

"This restaurant has the best pepper steak I've tasted so far!" I said while clinging onto his arm. I wasn't faking the enthusiasm. Masaya talaga ako dahil sa wakas, nag-dinner na rin sila sa labas na kasama ako.

Umiling lamang siya, hindi na nag-abala pang sulyapan ako. Hindi rin siya sumagot at dire-diretso lang na naglakad pababa sa grandiosong staircase ng kinainan namin. Natanggal ang pagkakayakap ko sa braso niya.

"Weston, wait!"

He didn't look back as he continue to walk down. Napasimangot naman ako dahil mukhang galit nga siya sa akin.

"I think I still need to talk to him regarding the Montoyas."

Napalingon ako kila Dad na kasunod namin sa paglalakad. He offered his arm for support. Kumapit ako roon habang si Mommy naman ang nasa kabilang side.

"He doesn't like Xavier for you, sweetheart. At naiintindihan ko naman na ayaw rin niyang ipakasal ka namin sa hindi mo naman lubusang kilala."

I nearly choked on my saliva after hearing that. Ngayon ay kumbinsido na talaga akong wala silang ideya na nagkasangga na kami ni Xavier.

Itinaas ni Dad ang kanang kamay bilang pagbati nang makababa kami sa ground floor. Namataan niya roon ang isa niyang kaibigan na pamilyar din sa akin. Kasa-kasama nito ang anak na lalaki na ngiting-ngiti sa gawi ko. Naalala kong batchmate ko nga pala siya dati sa Los Baños nang makipag-kamay siya.

Nagkamustahan ang matatanda habang ako naman ay ilang na sinasagot ang mga tanong ng nag-iisang ka-edad ko sa grupo. Mukhang napansin ni Mommy na hindi ako komportable at nababagot na rin kaya nakisingit siya sa usapan.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon