Nandito ako ngayon sa kahabaan ng pasilyo ng LMC. Nakaupo lamang ako sa hilera ng mga upuan habang si Aly naman ay nagpaalam muna sandali para bumili ng inumin sa cafeteria ng ospital.
Si Bruce ay iniwan lang namin sa parking. He insisted to go with us but Aly told him to just back off with what Pavel asked him to do. Napapailing na lang ako kanina habang pinapanood silang mag-away.
Katatapos lang ng pagkuha ng blood and urine sample sa akin. Aly even asked the doctor if my stool should be tested too pero ako na mismo ang tumutol. After hearing the symptoms ay sinabi na lamang ng doktor na body fluids lang ang kukunin base sa mga nasabi kong nararamdaman for the past weeks. Bukas daw ay babalik ako kapag hindi pa rin nila naturol sa mga tests kung ano ang kondisyon ko.
"Ang tagal mo," maktol ko bago abutin ang watered bottle at crackers mula kay Aly.
"OA nito. Wala pa nga ata akong twenty minutes nawala."
"Bibili lang sa ground floor, inabot pa ng ganoon katagal?"
"Hindi naman ako si Flash!" Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang banana chips na dala niya.
"Bakit hindi ganyan ang binili mo sa 'kin?"
"Huh?" Puno na ang bibig ni Aly nang inguso ko ang kinakain niya.
"Parang gusto ko rin niyan. Palit na lang tayo, I don't want to eat crackers."
"What?" Napahigpit ang hawak niya sa platic ng chips. "Hindi ka puwede rito. Baka makasama sa tiyan mo. We still don't know if you're allowed to eat this."
"Ang damot," nakanguso kong sabi bago lumunok. "Isa lang naman."
"Ang kulit mo, B. Itanong natin kay doc mamaya kung puwede 'to sa 'yo tapos bibili ulit tayo."
"Ang daming hanash, hindi na lang sabihin na ayaw magbigay." Humalukipkip ako.
Natigil siya sa akmang pagsubo. "Grabe siya! Inaalala ko lang naman ang kalagayan mo. Mamaya bawal ka pala sa saging tapos subo ka lang ng subo. Masamang tumikim ng kung ano-ano kahit mukhang masarap. Baka mamaya lumobo 'yang tiyan mo."
"Daming sinasabi talaga. Humingi lang ako, eh."
She stared at my face before grinning. "You don't get what I'm saying, do you?"
"Naiintindihan ko."
"Then why aren't you acting hysterical? I thought you'll freak out after what I said. Hindi na ba berde 'yang utak mo?" Sumubo ulit siya ng banana chips habang nakangisi sa akin. "Ang bastos nung bibig mo nung nakaraan tapos hindi mo ma-gets 'yung hidden meaning sa sinasabi ko."
"What is it about anyway?" I waited but she just shrugged.
"Ayokong mag-explain. Baka maintindihan mo rin naman mamaya kapag lumabas na ang resulta." Makahulugan siyang tumingin sa akin.
Umirap na lang ako at pinagtiyagaan ang walang lasang crackers. Pakiramdam ko ay ngumunguya ako ng buhangin doon. Walang lasa. Inggit na inggit ako sa tunog ng chips ni Aly.
The chips were golden in color. It looked so tasty, probably sweet with a little hinch of saltiness.
Nag-iwas ako ng tingin sa kinakain ng katabi ko at lumagok na lamang ng tubig.
Matapos kumain ay nagkuwentuhan lang kami. Ayon sa isang nurse na kasama ni Doc Rissa ay malapit na raw matapos ang tests. Napadaan lang ito sandali para sabihin sa amin iyon. Inaya kami nito sa opisina mismo ng doktor na dinaanan na namin kanina bago dumiretso sa laboratory room.
"Dito na lang ho kayo maghintay, Ma'am." Lumabas na ang nurse matapos sabihin iyon.
"Bakit parang ang bilis naman, Aly? Akala ko babalik pa tayo bukas para malaman kung may sakit ba ako o ano."
"Marami kasi tayong pera kaya tayo ang inuna," balewala niyang saad at uminom ng juice sa bote. Umupo na siya sa isang sofa roon at nagtingin-tingin sa mga nakasabit na models ng katawan sa paligid.
Hindi ako umimik. Nang madaan kami sa tapat ng waiting chairs na nakalagay sa sulok ng mga pasilyo ay iba't-ibang uri ng tao ang nakita ko. May mga umiiyak at tulala, mayroong mukhang nag-aalala at tuliro dahil marami pa ang nakapila sa emergency room.
Mukhang napansin din iyon ni Aly. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang mood niya. Siguro ay may naisip na naman kaya ganito ang reaksiyon.
Umupo ako sa tabi niya at sinubukan siyang kausapin tungkol kay Ashton. Nagbalik naman ang kaninang sigla niya dahil mukhang nakalimutan na ang kaninang iniisip.
Tumawa siya at napapalo pa sa hita ko. "Noong unang araw nga noon sa kinder, nanghalik agad ng batang kaklase. Pinagalitan ko pero siyempre kinampihan ko rin dahil anak ko iyon. Galit na galit 'yung nanny ng batang babae dahil hindi raw nila pinadadapuan sa lamok ang bata tapos mahahalik-halikan lang ni Ashton."
Napahalakhak ako. "Akala mo naman lugi 'yung alaga niya."
"That's true. Ang gwapo gwapo ng anak ko tapos parang ikinumpara niya lang sa lamok?" She sighed dramatically.
"Don't tell me you had a catfight with her?"
Umangat ang sulok ng labi niya. "Kung tatanungin mo rin kung nakonsensiya ako, hindi ang sagot ko, B. That aglipay was too rude so she deserves it."
Pinalo ko siya sa braso na agad niyang inireklamo sa akin. Umirap pa kaya napatawa ako.
Likas ang pagiging komikera ni Aly kahit may bahid ng pagkaarte ang personality. That's one of the things I like about her. Mood setter siya at nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya nga walang ilangan ngayon kahit na halos ilang taon kaming hindi nagkita.
"And then the girl's uncle came the other day. Buti na lang at nasundo ko si Ashton ng maaga. Umiiyak 'yung anak ko kasi pinagalitan daw siya ng tito ng crush niya. I was angered when I saw my son's tearstained face."
"Pinatulan mo, 'no? Anong sabi ng matanda?" Walang inaatrasan itong babaeng 'to kaya hindi malabong nakipag-away siya roon.
"Hindi matanda." She groaned inwardly. "Si Bruce ang tito ng bata. Can't get any worse, right?"
Napatawa ako nang malakas.
"Galit na galit ako kaya pinagbantaan ko siyang kakasuhan ko kahit wala akong pera noon. Mukhang mayaman kaya nag-English ako. Saka alam mo ba na 'yan din ang nagpakita ng picture ni Ashton kay Pavel kaya nalaman noong kurimaw na may anak siya sa 'kin?"
"Sumbungero!" Napahalakhak ako.
Tanging mga boses lang namin ang maririnig sa loob. Sa tingin ko nga ay umaabot na sa labas ang ingay namin dahil bahagyang nakaawang ang pinto. Ganoon kaming naabutan ni Doc Rissa kaya medyo nahiya kami.
"The result is already here." Ngiting-ngiti si doktora. Hindi ko alam kung dahil ba sa naabutan niya kaming nagkakasiyahan ni Aly o dahil sa walang naging problema sa resulta.
Napatingin ako sa hawak nitong clipboard. Isinabit ni doktora ang hawak na ballpen sa bulsa ng puti niyang coat bago iyon hubarin at ipatong sa likod ng upuan na nasa kabilang bahagi ng lamesa.
"Kamusta naman siya, doc?"
Rissa sat and and flipped a few strands of her hair before eyeing us. Tumigil ang singkit niyang mga mata akin bago nag-abot ng kamay. She wore a warm smile, displaying the perfect set of white teeth. "Congratulations! You're having a baby."
-
:)
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?