Chapter 7

2.6K 58 64
                                        

People find it unusual na may garden itong cafe. Kahit na marami naman mga coffee and pastry shops na may ganito rin, kakaiba kasi ang sa amin dahil masiyadong malaki. Daig pa raw ang restaurant.

It's not actually my idea. It was Xavier's. Lagyan daw namin para may pagdadausan ng mga events kung sakaling may naghahanap ng venue. Minsan ay binubuksan din ang lugar for special occasions at kapag may parties na ginaganap dito sa cafe.

Malaki kasi ang nabiling lupa ni Xavier nang pinatayo niya ito. Ipinaayos lang ang karugtong pagkatapos ilipat sa pangalan ko ang ownership ng business. And yes, he owned the place before he gave all the papers to me.

"Ma'am Bridgette!" tawag sa akin ni Annie. Nakatayo siya sa gilid ng entrance at parang kinikilig habang may sinisilip sa loob.

"Kanina pa po naghihintay ang date niyo. Ang gwapo naman po ng boyfriend niyo, Ma'am. Bagay na bagay po kayo!" She is smiling widely at me.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. I didn't bother to correct her assumption dahil naiilang ako sa kaniya. She's newly hired kaya hindi niya pa kilala ang kamote.

Binuksan niya ang glass door para sa 'kin. Pumasok ako sa loob at naglakad papunta sa nag-iisang table sa loob ng gazebo na nakapuwesto sa gitna.

I saw him tapping his fingers on the table while sitting on a slouching position. Halata ang inip sa mukha niya. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa cellphone niyang nakalagay sa lamesa, as if waiting for it to make sounds.

"Xavier," tawag ko nang makalapit.

Nag-angat siya ng ulo. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko.

Drool, cheater.

I am wearing a light red sleeveless top and a black mini skirt. Sinadya ko talaga ngayong araw para magsisi siya.

"B-Bridge," he stuttered. Agad siyang tumayo nang makahuma at iniatras ang upuan para makaupo na rin ako. He sat on the adjacent seat after.

Sinipat ko ang kabuuan niya. Xavier is still wearing his tux. He smells good din. His hair is deshiveled. The dark circles on his eyes are very evident. Even his stubbles are visibly seen dahil mukhang nakakaligtaan na naman niyang mag-ahit.

He looks so damn fine but that isn't enough to hide​ his worn out look.

Ibig tumaas ng kilay ko sa isiping iyon. Baka nagpuyatan pa sila ni Fiona pagkaalis ko at nasundan pa ulit ng maraming beses kaya mukha siyang pagod?

"G-Gusto mo na bang kumain?" Para siyang maamong tupa nang sabihin iyon.

Tumango ako kaya mabilis niyang tinawag si Chris na naka-stand by sa isang gilid.

"Order po?" Ngumiti ang serbidor sa'kin.

I smiled at him too. Hinawi ko ang buhok ko dahil bumabagsak iyon mula sa pagkakasabit sa gilid ng tenga ko.

Nalipat ang paningin ko kay Xavier na umubo nang malakas. He frowned at me. Pagkatapos ay ibinaba niya ang mga mata sa menu na parang may interesante at nakakagalit siyang binabasa doon.

He ordered for the both of us. Tahimik lang akong kumain nang dumating ang mga dishes. He is staring at me intently pero hindi ko siya pinapansin.

"Bridge," tawag niya. I continued to sip on my juice without bothering to give him glance.

"Bridge naman..." he pleaded.

Doon na ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Magsalita ka na habang kumakain ako," I nonchalantly said.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon