Chapter 36

1.9K 44 5
                                        


"Alam ba ni Gianna ang ginagawa mo at ng ate niya?" galit kong tanong nang hindi siya sumagot.

"Do you think it's okay for women to share boys with their sisters?"

"Of course not!"

"Then she doesn't."

Napasinghap ako. "This is cheating, Xavier!"

"I am not the one who offered sex. Siya ang lumapit sa akin," he said while arranging his clothes. "Women flock on my feet. You can't blame me if I want to please those who are willing to be fucked."

"You... asshole!" Hindi ko na napigilan.

I know that Gianna is a nice woman. Hindi ko siya masyadong gusto pero puwedeng masira ang pamilya nila dahil sa ginawang 'to ni Xavier.

"You're out of this matter. Huwag kang mangialam." Malamig ang boses niya. Tumingin siya sa akin gamit ang mga mata niyang hindi ko mabakasan ng anumang ekspresyon.

"Bakit ka ba nagkakaganyan, X?"

Hindi siya nagsalita at sarkastikong nginisihan lang ako, para bang gusto pa akong tawanan at lihim na iniinsulto. Umiling siya at tinapos ang pag-aayos ng damit.

I know he's a fuck boy but I didn't expect him to go this far just to play. Napaka-out of character ng ginawa niya. Alam kong gago siya kung gago pero hindi naman ganito kalala na may dinadamay na pamilya.

"Alam mo naman sigurong puwedeng masira ang pangalan niyong lahat dahil sa affair niyo ni Grace, 'di ba?" I asked on gritted teeth, hoping the question will knock some sense on him.

"I am not as dumb as you think, Bridgette." He leaned on the sink and crossed his arms. "Magpapahuli ba ako gayong iniingatan ko ang pangalan ko?"

Ha! Anong klaseng pag-iingat ba ang ginawa nila? Nahuli at narinig ko nga. Nasaan ang pag-iingat doon?

"And why do you talk about my image more than I do? Ano bang pakialam mo?"

Natameme ako sa huli niyang sinabi. Kinuyom ko ang mga palad ko at sinamaan siya ng tingin.

Gustong-gusto kong sabihin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para sa kaniya dahil mahal ko siya. Pero anong punto? Kitang-kita naman na paniguradong pagtatawanan lang niya ako kapag sinabi ko iyon.

There's​ an obvious hate with the way he looks at me. Matalas na ang tingin mga mata niya at parang may kung anong hinanakit. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya kaapektado sa ginawa ko noon kahit malinaw naman na wala lang ako para sa kanya.

Pride at ego lang ang importante kay Xavier. Kaya siya nagagalit ay dahil sa tingin niya, naapakan ko iyon nang sabihin kong may iba na akong gusto. Hindi dahil ayaw niyang bumitaw ako noong mga panahon pinababalik niya pa ako at pilit na inaayos ang gusot sa aming dalawa. Nagagalit siya hanggang ngayon dahil ako pa ang may kapal ng mukha na tumapos sa aming dalawa kahit ako naman ang nagdala sa amin sa sitwasyong iyon.

"You talk like you're concerned about what other people might say if they happen to know about what you saw earlier, but you aren't even ashamed of how desperate you look right now." He eyed me maliciously. "Tagging along with a playboy just to enter this party? Nice."

My forehead ceased.

"I thought his name was Caleb. Bakit si Weston ang kasama mo ngayon?" tanong niya pa. Hindi ako nakasagot agad kaya tumaas ang isa niyang kilay, hinahamon ako.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Let me guess..." He grinned slyly. "You can't find anyone who can sate you in bed. Caleb's not a good fuck and he's too boring so you're dating Weston now."

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon