Chapter 21

1.9K 40 12
                                        

"Anong ginagawa mo rito?" Napataas ang kilay ko nang mamataan si Caleb sa loob ng cafe. Kakapasok ko lang at napagdesisyunan kong ito na ang huling araw ko sa trabaho.

"Sinusundo ka?" patanong niyang sabi, parang hindi sigurado.

Napatingin ako sa wall clock para tignan ang oras. Halos wala pang customer tapos nandito na siya.

"And why?"

"You said we're going out today, right?" He raked an appreciative look on me.

"Anong-"

"May text message ka sa akin," pagpuputol niya. Ipinakita niya ang cellphone at nabasa ko nga roon ang contact na naka-save sa ilalim ng pangalan ko.

From: Bridgette

See you tomorrow ;)

"Hindi sa akin galing 'yan." Napakunot ang noo ko.

"What?" he asked, his voice was laced with a bit of annoyance. "I came all the way from Ilocos to see you."

"Seryoso?"

"Oo. I've been texting this number for like three weeks. Paanong hindi ikaw 'to?"

Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita iyon sa kaniya. "Ayan. This is my number. Pareho ba riyan?"

"N-No... pero hindi ba't dual sim ang cellphone mo?" nagdududa niyang sabi.

Napairap ako. Kung talagang naka-text ko man siya, bakit ko naman itatanggi?

"For business purposes ang isa kong numero." Hinanap ko iyon sa contacts at ipinakitang muli sa kaniya ang screen. "Pareho ba?"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak ko at sa sarili niyang phone, parang hindi makapaniwala.

Napabuga ako ng hangin.

"H-Hindi... but-"

"I have no time for games, Caleb. Busy ako."

"This is not some fucking prank, babe. Baka naman nagpalit ka ng sim?"

Napatigil ako sa paglalakad. I faced him with an obvious frown plastered on my face.

"Saan mo ba nakuha 'yang number na 'yan?"

"Kay Riese." Nagkagatla ang noo niya nang sabihin iyon. Salubong din pati ang mga kilay niya.

"Then that explains everything. Naniwala ka kaagad na ako 'yan? Ang landi-landi mag-text," nakaismid kong turan. "Riese is trying to matchmake us. Huwag ka ngang magpapaniwala sa babaeng iyon."

Nabato si Caleb at sandaling napasisip. I cocked my head on the side as I stare at him.

Nakatayo lang siya roon. Binalot kami ng sandaling katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"Pasensiya na." Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin, bahagya pang natawa sa sarili. "Hindi ko naisip na lolokohin ako ni Riese." Nag-iwas siya ng tingin pagkasabi noon. Napansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kaniyang cellphone.

"Galing ka talaga ng Ilocos?" Nang-uusisa kong tanong. Sinipat ko ang ayos niya.

Mukhang pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. Pormang-porma at hindi ko rin maitatanggi na ang bango-bango niya. He looked so fresh and handsome.

"Yes."

Pinigilan kong mapabunghalit ng tawa dahil sa naging sagot niya. Medyo funny kasi umasa rin siya roon. Naniwala talaga siya at bumiyahe pa! Napailing ako.

Gago talaga si Riese.

"Saan ka na pupunta niyan ngayon?" tanong ko nang makitang dinampot niya ang susi sa table.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon