"For the third time, tatanungin ulit kita. Ano bang gusto mong pag-usapan?"
Siguradong lukot na lukot ang mukha ko matapos sabihin iyon sa kaniya. Pagkalabas ko ng kuwarto kanina ay naroon na siya sa puwestong iyon. Halos hindi na yata gumalaw hanggang sa matapos akong kumuha ng breakfast sa kusina.
Buti na nga lang at nakatalikod ang hudyo sa gawi ko nang kumaripas ako ng takbo para magbihis sa kwarto. Buong akala ko ay maghihintay lang siya sa kusina kung saan ko siya iniwan nang maligo ako sa banyo.
Hindi siya sumagot kaya napairap na lamang ako. He's acting like he can't hear anything! Nakaupo lang siya sa sofa at nanonood ng TV sa sala. Mas lalo pa akong nainis nang makitang cartoons ang nasa screen.
"Xavier, pansinin mo nga ako! You can't just barge into my place and watch on my TV!" Padabog kong ibinagsak ang bowl ng cereal sa harap niya. "Ano bang kailangan mo, ha? Akala ko ba tapos na tayo?"
Tumingin siya sa akin at kinuha ang kutsara mula sa mga kamay ko. He munched on the cereals as he watch them float on the milk.
"That's why I came here. I have a proposal for you," he said, almost a whisper.
I don't have any clue as to why he's acting timid now. Nakatulala lang siya sa bowl ng cereals habang sunod-sunod ang pagsubo niya mula roon.
I clicked my tongue and placed a hand on my hip. Sinuklay ko ang basang buhok gamit ang mga daliri ko saka pailalim siyang tinitigan.
"Go straight to the point, will you?"
"Be my bitch and I'll give you everything you want." Nag-angat siya ng paningin. "Just like before. But you'll be in control. Ikaw na ang masusunod ngayon. I will not interfere with your choices and I'll follow your words... just... just be mine again."
Nangasim ang mukha ko sa term na ginamit niya. "No."
"Yes or yes lang."
"Hindi mo ba ako naiintindihan?" Magkabilang kamay na ang nilagay ko sa bewang para pagtaasan siya ng kilay. "What's the purpose of cutting ties with me if you want us to get back together? Tigilan mo nga ako."
Ipinatong niya ang isang binti sa kaliwang hita saka umayos ng pagkakaupo. Ang kaninang maamo niyang mukha ay napalitan ng kaseryosohan.
"I will not stop until you come back to me. You still have all the things I gave you. You're still mine."
I scoffed. "Kung 'yung mga binigay mo sa akin ang inaalala mo, huwag ka nang mapraning diyan. Ibabalik ko lahat 'yon sa 'yo pati ang cafe mo. Hintayin mo lang na maayos ko ang mga naiwan kong trabaho at ibibigay ko na sa 'yo ang lahat ng papeles."
"I am not after those. I want you back-"
"Tama na, okay?" pagod kong pakiusap. "I'm happier this way. Stop bothering me and find someone else to fuck around!"
He was caught off guard when I raised my voice. His eyes stared at me as his lips press into a thin line.
"We're over. Wala ka nang obligasyon pa sa 'kin kaya tama na if it's the only thing pushing you to hold me back. Pareho na tayong hindi masaya."
Umalpas ang maikli at sarkastikong tawa sa bibig ni Xavier. Dumilim na rin pati ang kaniyang ekspresyon. He looks murderous. Parang anumang oras ay handa na siyang magwala dahil sa mga sinabi ko.
"Stop pushing me, Bridge. Kailangan mo ako." His eyes grew a shade darker.
"I'm not fucking dependent on you."
"Says the girl who asked me for help two years ago."
Agad na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sandali akong hindi nakasagot bago matapang na sinalubong ang mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
Любовные романыBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?