Warning: Violence.
"Okay. Call me when you arrive there, alright?"
"Sige. I love you."
I ended the call immediately. Napahawak pa ako sa pisngi ko bago sumubsob sa unan na ginagamit ni Xavier kapag natutulog kami.
Tumunog muli ang phone ko. I pouted to stop my smile when I saw him calling again. Imbes na sagutin ay pinatay ko ang phone ko at inilagay iyon sa duffel bag na idadala ko sa amin.
Nahihiya ako. Ngayon lang kasi ako nagsabi ng mahal ko siya.
Ilang linggo na ang lumipas mula noong ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya. They were his colleagues back in college. Kauuwi lamang daw ni Asmo mula sa ibang bansa kaya nagkita-kita sila. Nang malaman nga ng mga iyon na kapatid ako ni Weston ay kinuha nilang lahat ang number ng ugok sa akin. Nagagalit ang mga loko. Ang kapal daw ng mukha ng kapatid ko dahil hindi man lang sila sinabihan na mag-bayaw na sila ni Xavier.
Ang kulit nilang magkakaibigan.
Tinawag ko si Jemma. Siya ang sasama na maghahatid sa akin ngayon. Doon muna kasi ako kila Mommy ng ilang araw dahil nami-miss na raw nila ako. Si Xavier naman ay doon din uuwi mamaya kaya pumayag siya.
Lumabas kami ni Jemma at nagpunta sa garahe. Nadatnan namin si Kuya Pido roon, nagpupunas ng windshield. Nang mapansin niya kami ay binuksan niya ang pinto para sa akin. Si Jemma ang tumabi sa kaniya sa harap.
Kuya Pido drove carefully. Kumakanta naman si Jemma kasabay ng tunog sa radyong nakabukas. Tinatawanan pa namin siya ni Kuya Pido nang biglang may bumangga sa likod ng sinasakyan namin.
"Anong-"
Binangga ulit ng van sa likod ang trunk ng kotse. Napahawak ako sa upuan ko at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Kuya Pido at Jemma sa harap.
"Tarantado iyon, ah!"
Hihinto na sana si Kuya Pido para sitahin ang van sa likod nang may humarang sa harap namin. Buti na lamang ay tumili si Jemma kaya naagaw niya ang atensiyon ng nagmamaneho. Napapreno agad ang driver namin ng wala sa oras.
Kinabahan ako nang may bumaba na tatlong lalaki sa van na nasa likod. Lumapit ang isa sa driver's seat at pinukpok ng baril ang salamin.
"Buksan mo! Babarilin ko kayo!" hiyaw ng lalaking may takip ang mukha.
"Por Dios, Por Santo... iligtas ninyo po kami." Nanginginig si Kuya Pido. Si Jemma ay umiiyak na dahil ang ibang kasama ng mga nasa labas ay pilit na ring binabasag ang salamin ng kotse.
"Putang ina, sabing ibukas mo, eh!" Binaril ng lalaki ang front seat. Tinamaan ang driver namin sa ulo.
Napahiyaw ako sa takot. Si Jemma ay lumipat sa likod at niyakap ako pero hindi rin iyon nagtagal. Nabuksan ng mga lalaki ang pinto at pilit siyang hinatak palabas.
"Kunin niyo 'yang buntis. 'Yan ang pinapahanap ni Madam."
Someone dragged me outside of the car. Ang huling nakita ko sa loob ay ang muling pagbaril ng lalaki kay Kuya Pido para siguruhing patay na ito. Hindi ako makapagsalita sa sobrang takot. Parang hangin na hinila lang ako ng mga armadong lalaki at sapilitan na ipinasok sa van.
"Ang muchacha, boss? Isasama ba?"
"Hindi. Bahala na kayo riyan. Patayin o gahasain niyo tsaka itapon. Basta siguruhin niyong hindi makakapagsumbong."
"H-Hindi... no! Jemma!" I cried.
Narinig ko ang tawanan ng mga dumakip sa amin. Isinakay nila si Jemma sa kabilang sasakyan. Matapos iyon ay may humawak sa mukha ko at itinakip ang hawak niyang panyo.

BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?