Galit ako at galit din siya sa akin. We both know that this silence is caused by our own hatred for each other.
Umirap ako sa kanya.
We are currently eating breakfast sa pool area. Tahimik lang ako habang pinapahiran ng butter ang niluto niyang pancakes para sa akin.
Nang magising ako ay umaga na. Naabutan ko siya sa kusina kanina. Masyadong napalalim yata ang tulog ko kaya hindi kami nakapag-usap kagabi. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ligo. Suot ko pa rin ang t-shirt at boxers niya na kinuha ko na lang basta sa closet para makapag-half bath ako bago mag-siesta pagkauwi namin kahapon.
Pinasadahan ko ang ayos niya. Umirap ulit ako, sinusulit na dahil hindi naman niya nakikita at abala siya sa hawak na diyaryo. He's already wearing his suit. Wala siyang tie dahil hindi siya marunong maglagay no'n unless garterized. Ako lang naman ang nagsusuot sa kaniya ng ganoon kapag magkasama kaming gumigising sa umaga.
"Hindi pa ba tayo mag-uusap?" I said in a very calm way pero gigil na talaga ako. Naiinis ako dahil umaakto siya na parang normal lang lahat. We're like playing some sort of a silent game.
"Mamaya na pag-uwi ko. May emergency sa opisina. Dito ka lang sa bahay." He dropped what he's reading on the table. Diniinan niya pa ang huling sinabi kaya nakaramdam ako ng pagtutol.
"Wala akong kasama." My tone turned out a bit sarcastic.
Naningkit ang mga mata niya. "Bakit? Wala namang mangyayaring masama sa 'yo rito sa loob ng bahay ko."
I frowned.
"Don't go anywhere else. I'm warning you so stop pouting your lips. Hindi pa tayo tapos kaya 'wag mo akong daanin sa ganiyan."
"Okay," labas sa ilong kong sabi.
I heard him sigh.
"Look, we need to work this out. Stop throwing tantrums on our first day."
Hindi ako sumagot. I indulged myself with the food. Nang matapos kami ay umakyat agad ako sa taas. Wala akong pakialam. Bahala siyang maghugas ng mga pinagkainan namin.
Nakakabuwisit. Naiirita ako sa pagmumukha niya.
Kakahiga ko pa lamang sa bed ay tumunog na ang phone ko. Nang tignan ko ay galing iyon sa isang unregistered number. Si Xavier iyon, alam ko. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nalaman ang bago kong numero.
Wait for me. I'll just fix things at work. Take care of yourself and the baby.
But just like his old promises (like the time he promised to give me the I chair I wanted to buy online), hindi niya tinupad ang sinasabi niyang pag-uusap namin. Nawala siya ng tatlong araw. Iyak lang ako nang iyak kasi baka nambabae na agad siya. Wala pa kaming isang linggo! Galit na galit ako. Sinunog ko nga sa plantsa ang dalawa sa mga paborito niyang polo sa sobrang inis ko sa kaniya.
Nagte-text naman siya sa akin pero hindi sapat iyon. Gabi-gabi ay naiiyak na lang ako dahil wala akong mautusang bumili ng pagkain para sa cravings ko. Sana pala hindi na niya ako inuwi dito kung ganito lang din. Sana pinag-stay niya muna ako sa bahay namin tutal hindi niya naman pala ako aalagaan!
I took a bath and slept the whole day because I had nothing else to do. Alas kuwatro y media na nang maisipan kong bumaba para magmeryenda para sa araw na ito. Bukas talaga, hindi na ako magmumukmok at aasang babalik siya. Sumasama lang ang loob ko. Sana mabayagan ang gagong iyon.
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot.
Gusto ko na talaga siyang umuwi. Miss na miss ko na rin kasi kahit nagagalit ako. Hindi ko alam. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng baby sa loob ng tiyan ko. Nitong nakaraan ay natitripan kong titigan ang portrait niyang naka-hang sa living room namin. Nakakainis.

BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?