Chapter 31

1.9K 41 11
                                        

"Babe, I'm sorry," bulong ni Caleb bago kunin ang kamay ko at lagyan ng dalawang supot ng banana chips. "Gusto mo 'yan, 'di ba? Pansinin mo na ako. Uuwi na tayo tapos hindi mo pa rin ako kinikibo."

Hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kamay kong nakabuka at napapatungan ng banana chips. Iginalaw ko iyon at hinayaang bumagsak sa lapag ang mga bigay niya.

"Bridgette, please, just say something and I'll stop bothering you. Ipapasyal pa kita kung ayaw mo munang umuwi. Para makabawi ako sa inyo ni baby."

"A-Ayoko. Baka mapatay mo kaming pareho 'pag sumama kami sa 'yo," hindi tumitingin kong sabi.

He sighed and bended his knees to reach for the pack of chips. I saw it in my peripheral vision. Hinawakan niya iyon sa magkabilang kamay kahit kaya naman niyang bibitin iyon sa iisa. Tumayo siya sa harap ko at pilit na hinuli ang aking mga mata.

"Look at me," he said. "Tignan mo ako, Bridgette. Mukha bang magagawa ko 'yon sa inyo?"

"You almost did last night."

"I didn't even know. Kung alam ko lang na... na hindi lang pala ikaw ang natakot ko..." Napailing siya at ginulo ang sariling buhok. "I'm sorry, okay? You can punch me all you want if that will make you feel better."

Napalingon ako sa kaniya. "You said you don't like violence."

"But I'm willing. Para lang makabawi ka," he pleaded.

"I don't want to lessen your guilt. Bahala kang makonsensiya sa ginawa mo kagabi."

He pouted. Nagbaba siya ng tingin at lumunok bago muling tumingin sa akin. "I'm such a jerk. Maybe this is why people don't like being around me. I tend to make them hate me afterwards."

I stopped myself from rolling my eyes. As much as possible, I don't want to show any emotion aside from coldness. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa inis ko sa kaniya kagabi dahil hindi ako halos nakatulog.

Nagtiis akong mag-isa sa loob ng unang kwartong napasukan ko kagabi matapos kong mag-walk-out. Ni hindi ko magawang pumikit nang matagal dahil natatakot pa rin ako sa pinanood namin.

"Guilt-tripping won't work."

"S-Sorry na talaga. Kung galit ka pa sa akin, lalabas muna ako para bumili ng agahan. Hindi puwedeng bumiyahe tayo na walang laman ang tiyan mo at hindi nakakakain si baby." Tumango siya na parang maamong tupa. "Sasaglit lang ako sa bayan."

Nagbara ang lalamunan ko. Napalingon ulit ako sa bandang sala at inaninag ang sliding door. Ibinalik ko ang mga mata kay Caleb na patungong hagdan.

"Sama ako."

Napatigil siya sa mabagal na paglalakad at lumingon. "What?"

"Sasama ako. Carry our things and let's eat breakfast there. Didiretso na tayo sa biyahe."

Caleb blinked. "Akala ko gusto mo pang mamasyal..."

"I didn't say anything about that. Ayaw kitang kasama," I retorted in a hard voice. "Now, hurry up so I won't be seeing your face after you drop me home."

Mukhang na-offend siya sa sinabi ko. Inatake ako ng konsensiya pero pilit ko iyong tinaboy. Tumango si Caleb at sandali pang tinitigan ang reaksyon ko bago tumalikod at magtungo sa kuwarto para dalhin ang mga gamit namin.

I don't know why guilt suddenly coiled on my stomach after seeing his sad face. Nakakainis. Hindi ko maintindihan kung bakit naaawa pa rin ako sa kabila ng galit ko dahil sa pangti-trip niya.

Lumabas si Caleb galing sa kabilang pasilyo. He wore my backpack on his left shoulder. Dala niya sa kanan ang kanya at hawak naman sa magkabilang palad ang mga pinamili namin kahapon.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon