47

58 3 0
                                    

~

"Captain!" Bati ko kay Chester nang makarating na kami ni Mark sa court para maglaro. "Uy, kumusta na?" Nakangiting bati naman niya sa amin. 




"Okay lang kami cap, malapit na naming makalimutan ang nangyari sa atin kahapon." Sagot ni Mark sa kaniya habang nagsisintas kami ng sapatos. 




"Mabuti naman, dapat niyo na talagang kalimutan ang mga masasamang pangyayari sa buhay niyo." Napakamot nalang siya sa kaniyang buhok nang sabihin niya ito sa amin.




Dahil tatlo lang kami sa court, nagshooting na lang muna kami habang naghihintay ng isang taong makakalaro namin ng dalawahan.




"Idol! Saktong sakto ang pagdating mo!" Bati naman ni Mark kay Adrian nang makita namin siya papasok dito sa court.




"Ano, mukhang kanina pa kayo nangangati maglaro ha." Natatawang hirit naman niya sa amin nang ilapag na niya ang dala-dala niyang bag.




Sinimulan na naming pumili ng kakampi, at naging maayos na ang lahat ng naging kakampi ko si Mark. Sinimulan na naming maglaro, at ang unang maka score ng twenty-one ay ang mananalo.




"Tol, screen!" Natatawang utos ko kay Mark, at nang makapagset na siya ng screen kay Chester ay tuluyan na akong pumasok sa loob para maipasok ang lay-up.




"Uy! Salo!" Nagulat nalang kami ni Mark nang maipasa ni Chester ang bola kay Adrian ng mabilisan! "Walang makakatalo sa classic move mo na 'yan pre!" Hirit naman ni Adrian pagkatapos niyang magdunk.




Naging masaya ang laro namin, ngunit natalo nila kami sa score na 18-21. 




"Oo nga pala, ano'ng plano niyo tol sa career niyo? Magpapadraft na ba kayo sa PBA?" Nagtatakang tanong ko sa kanila habang nagpapahinga kami sa bleachers.




"Ako, hindi ko pa alam kung itutuloy ko pa ba 'yung basketball career ko." Sagot naman ni Adrian sa akin, at medyo nalungkot naman ako dahil doon.




"Sa tingin ko magtatrabaho muna ako, as mechanical engineer." Nakangiting sagot naman ni Chester sa akin, at napatango naman kami ni Mark sa kaniya.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon