11

165 12 1
                                    

~

"Jusko ka Noel ano'ng nangyari sa'yo!" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. "Kakasabi ko lang sa'yo kaninang umaga na mag-iingat ka eh." Nag-aalalang sabi rin ni Dada sa akin. 




"Ma, Da, relax lang po kayo, okay na po iyung paa ko." Nakangiting sabi ko sa kanila, kaya naman ay niyakap ako ni Mama.




"Mr. and Mrs Fernandez, sorry po sa nangyari sa anak niyo po. We promise po, hindi na namin papayagang maulit pa ang accident na ito. Puwede ko po ba kayong makausap tungkol sa nangyari po sa practice game ni Noel kanina?" Humingi agad ng sorry si coach sa kanila at lumabas muna silang tatlo para pag-usapan ang dahilan kung bakit ako naaksidente.




"Noel, sa susunod, ikaw nalang muna ang lumayo sa mga ganoong klaseng player. Tsaka 'wag ka muna magdunk! Masyado pang mahirap gawin 'yon!" Pagbibiro naman sa akin ni Dada nang pumasok na ulit sila sa kuwarto. "Da, counted nga yung dunk ko eh." Natatawang sambit ko naman sa kaniya, kaya naman ay natawa na lang din siya.




"Basta anak, sa susunod na maglalaro ka, 'wag ka muna masyadong brutal sa mga kalaban mo! Kung maaari, 'wag ka dumikit sa kanila, para iwas disgrasya." Nakangiting sambit naman ni Mama, at natawa naman si Mark ng mahina. 




"Ma, pinagtatawanan ka oh," Hirit ko naman kay Mama habang nakaturo ako kay Mark. "Ay hindi po! Si Noel po pinagtatawanan ko po!" Sagot naman ni Mark, at napakamot pa tuloy siya sa buhok niya.




"Oo nga po pala Ma, sila po si Mark at Veronica, mga kaibigan ko." Nakangiting pagpapakilala ko naman sa kaniya. "Hello po, Tita, Tito!" Nakangiting sabi ni Mark sa kanilang dalawa, at naalala ko nga pala na kilala na nila si Mark noon pa. "Hi po sa inyo." Nakangiting bati naman ni Nica, pero halatang-halata ko na nahihiya pa siya sa kanila.




"Noel, ang tagal mo na palang tinatago sa amin, may girlfriend ka na pala!" Pabirong sabi naman ni Dada sa akin, kaya naman ay natawa nalang si Mark, habang si Nica naman ay namumula na habang nakangiti. 




"Uy ikaw, masyado pang bata si Noel, bawal pa 'yan magjowa!" Sambit naman ni Mama nang paluin niya ang braso ni Dada, kaya naman ay natawa nalang ako sa nangyayari sa paligid ko.




"Ma, hindi na po ako bata, tsaka wala pa naman po akong balak manligaw." Nakangiting sabi ko kay Mama, at bigla nalang tumawa si Mark dahil sa sinabi ko. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon