5

303 38 0
                                    

~

"Kumusta na?" Hinihingal na bati ko kay Nica nang tumakbo kami nila papunta sa kaniya. "Bakit nanaman kayo nandito?" Pagtatakang tanong niya sa amin. 




"Ano kasi, gusto ni Noel na suportahan mo raw siya mamaya." Pabirong sagot naman ni Mark, kaya napailing nalang ako. 




"May practice kasi kami mamaya sa court, baka gusto mong manood, tas kain ulit tayo," Nahinto ang sinsabi ko nang sagutin ni Nica ang tawag sa phone niya at naglakad nalang palayo sa amin.




"Tol ano nangyari, 'di ka na pinansin." Nagtatakang tanong ni Mark sa akin, habang iniisip ko kung anong dapat kong maramdaman sa nangyari. 




"Ewan ko tol, tara punta na tayo sa court, baka ma-late pa tayo." Seryosong sabi ko kay Mark, dahil nga nawalan ako ng gana sa puntong iyon. Nang makarating na kami ng court ay nagwarm-up na kami ng mga kasamahan namin ni Mark sa team.




"Okay, since we've all loosened up, handa na ba kayo mga Fighting Maroons?" Pasigaw na tanong sa amin ni Coach Ronnie bago kami magsimula sa scrimmage. "Handa na po kami coach!" Sagot naman namin sa kaniya, kaya naman ay pinili na niya kung sino ang magkakampi sa dalawang team. 




Hindi kami naging kakampi ni Mark, kaya naman ay mas gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na ang lahat ng galaw niya sa basketball. "Fernandez, you'll be the captain of your team, and Chester, ikaw ang magiging captain ng team mo." Sambit sa amin ni Coach, at medyo kinabahan ako dahil si Chester na nga ang team captain ng UPMBT, siya pa ang team captain na makakalaban ko ngayon.




 Pumwesto kami ni Chester sa free throw line, at kung sinong unang maka-shoot ay ang unang makakakua ng bola.




"Okay game na," Sambit ni Chester sa aming lahat ng ma-shoot niya ang bola bago pa ako maka-shoot. Sa unang quarter ay natambakan kami nila Chester ng onse, kaya naman ay nagset na ako ng mga plays para sa team namin. 




Nagulat nalang ako nang may natanaw akong tatlong babae na pumasok sa court. "Tol, gusto ka parin talaga niya makita."Natatawang sabi sa akin ni Mark habang binabantayan niya ako.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon