~
"Ma, kumusta na kayo diyan?" Masayang bati ko sa kanya sa video call namin.
[Okay lang kami dito Noel, kaso namimiss ka nanamin ni Dada kahit wala pang isang linggo.] Nakangiting sagot naman ni Mama sa akin.
"Hayaan mo Ma, makakapagkita naman na ulit tayo bukas. Pumunta kayo ng maaga ni Dada bukas para makausap ko pa po kayo." Sambit ko sa kaniya.
[Oo nga pala, bukas na pala iyung opening ninyo. Sige anak, aagahan namin ni Dada pumunta sa MoA.] Nakatawang sagot naman niya sa akin.
Mahaba-haba pa ang usapan namin ni Mama sa video call. Natapos nalang kami nang inaya na ako ni Mark na kumain ng tanghalian.
"Tol, bukas na," Nakangiting sabi sa akin ni Mark habang nginunguya pa niya ang ulam niya. "Kaya nga eh, ang bilis ng panahon tol." Masayang sagot ko naman sa kaniya bago ako sumubo ng ulam.
Nagpahinga lang kami ni Mark buong araw para maayos ang magiging kalagayan namin bukas.
~
Nagising kami ni Mark ng maaga dahil may meeting kami ngayon sa court. Nang makarating kami ni Mark sa court ay kumpleto na ang UPMBT para sa meeting na inihanda ni coach sa amin.
"First of all, I would like to congratulate you all for reaching it this far as a member of the UP Men's Basketball Team." Masayang bati sa amin ni coach bago kami magpalakpakan.
Sinabihan kami ni coach tungkol sa mga mangyayari mamaya, at pinaglaro pa kami ni coach ng isang game para ma-kondisyon kami sa first game namin bukas.
"O dahil opening na mamaya, treat ko na ang lunch natin ngayon!" Natatawang sabi sa amin ni coach pagkatapos ng scrimmage namin, kaya naman ay naghiyawan kami sa kaniyang sinabi.
"Tol, yayain kaya kaya natin si Nica na sumabay na sa atin maglunch." Sambit sa akin ni Mark habang siksikan kaming nakasakay sa jeep papuntang UP Town Center.
To: Nica Liit
![](https://img.wattpad.com/cover/223356791-288-k403881.jpg)
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Ficção AdolescenteUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.