27

91 3 0
                                    

~

"Saan niyo gustong kumain guys?" Masayang tanong sa amin ni Diana nang makarating na kami sa UPTC. 




"Kung saan niyo gusto, doon nalang din ako." Sagot ko naman sa kaniya dahil hindi ko rin naman alam kung saan kami kakain. 




Habang naghahanap kami nang makakainan ay natanaw ko si Chester na pasalubong na sa amin. "Cap!" Pagbati ko naman sa kaniya bago niya ako saludohan. 




"Uy! Doon nalang tayo kumain, masarap diyan!" Masayang sambit sa amin ni Nica habang tinuturo niya ang isang Korean BBQ. "Ay oo! Tara, diyan nalang tayo." Nakangiting sabi naman ni Rachel, kaya naman ay naglakad na kami papunta doon.




Pagkapasok namin sa kainan ay naghanap na agad ako ng puwesto namin. Maya-maya lang ay nagsimula na silang magluto, at naisipan ko naman picturan si Nica nang patago, pero huli na ang lahat nang mapansin ako ni Diana. 




"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" Natatawang tanong ni Diana sa akin, habang sila Nica naman ay walang kamalay-malay kung ano ang tinutukoy ni Diana. 




"Alin tol? Wala naman eh, magluto na nga lang kayo diyan." Natatawang sagot ko naman kay Diana, at tsaka niya ako siningkitan ng mata. 




Pagkatapos naming magluto ay mabilisan na kaming kumain dahil baka mahuli pa kami sa sinehan. "Uy! Tara na, bilisan niyo na diyan!" Sambit sa amin ni Nica, kaya naman ay nagsitayuan na kami para pumunta na ng sinehan.




"Aya, parang nakakatakot naman 'yung movie na pinili niyo!" Natatakot na sabi ni Nica kay Diana habang kinukuha na nila iyung tickets namin. 




Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi. "Psst!" Pagtawag ko kay Nica nang kalabitin ko siya. "Ano?" Mataray na tanong naman niya sa akin. "Natatakot ka na agad?" Nakangiting tanong ko naman sa kaniya. 




"Oo, nakakatakot naman kasi 'yang mukha mo." Pang-asar naman niya sa akin, kaya naman ay pasimple ko siyang inakbayan para halikan ko ang noo niya. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon