40

86 4 0
                                    

~

"Uy tol, ako na'ng magbabayad diyan." Sambit ko kay Mark habang nakapila kami sa toll gate. "Huwag na tol, ako na'ng bahala." Nakangiting sabi naman niya sa akin, kaya naman ay pumayag nalang ako sa kaniya. 




Nang makapasok na kami ng SLEX ay unti-unti ng nagigising si Nica. "Ang himbing mo naman pala matulog." Biro ko sa kaniya habang kinakamot pa niya ang kaniyang mata. 




"Nasaan na tayo?" Inaantok na tanong naman sa akin ni Nica. "Malapit na tayo, siguro mga thirty minutes na lang makakarating na tayo doon." Sagot ko naman sa kaniya. 




"Oo nga pala, nasaan na raw sila Julia?" Pagtanong ni Mark kay Nica, at kinuha naman ni Nica ang phone niya para i-message si Julia. "Nakalabas na raw sila ng expressway." Sagot naman ni Nica sa kaniya. "Siguro malapit na sila sa EK." Hirit ko naman sa kanilang dalawa.




Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na kami ng SLEX at papunta na kami sa Sta. Rosa, Laguna. Habang nasa biyahe pa rin kami ay bigla nalang pumasok sa isip ko na si Mark nga pala ang driver namin ngayon! 




Totoo pala na magaling siya magmaneho, kaya hindi na namin kailangang mag-alala pa. "Tol, maghahanap muna ako ng gas station, medyo kailangan ko na kasi mag number one." Sambit sa amin ni Mark, at pumayag naman kami sa kaniya. 




Nang makarating kami sa isang gas station ay bumaba muna kami ng van para makapag-unat man lang ng katawan. "Grabe, ngayon lang ulit ako nakalabas ng Metro Manila." Nakangiting sabi sa akin ni Nica habang hinihintay namin si Mark. 




"Kailan ba 'yung huling nakalabas ka ng NCR?" Tanong ko naman sa kaniya. "Last year pa 'ata 'yun, pumunta kami ng family ko sa Ilocos Norte." Sagot naman niya sa akin, at napatango naman ako dahil doon. 




"Ang sarap sa pakiramdam tol! Tara na, sakay na ulit kayo sa van." Hirit naman sa amin ni Mark, at natawa tuloy ako sa kaniyang sinabi. 




Maya-maya lang ay naabutan na kami ng traffic sa daan papunta sa Enchanted Kingdom. "Patay tayo tol, mukhang marami 'atang tao mamaya sa loob ng EK." Hirit sa amin ni Mark habang pinapaandar niya ang kotse ng dahan-dahan. 




Isa-isa na ang pagpasok ng mga sasakyan sa loob ng EK, at nang makapasok na rin kami ay naghanap na si Mark ng lugar sa parking lot para sa van niya. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon