41

80 2 0
                                    

~

[Tol, kakatapos lang namin sa Space Shuttle, nakakalula talaga siya tol! Napaos pa nga 'ata si Julia sa kakasigaw niya eh.] Natatawang sabi sa akin ni Mark sa tawag.




"Mabuti nalang talaga hindi sumama si Nica, hihimatayin talaga siya diyan tol." Biro ko naman sa kaniya, at natawa naman ako nang sipain ako ni Nica sa ilalim ng mesa.




[Mabuti nalang talaga tol! Sige na, pupunta na kami diyan ni Julia at nagugutom na rin kami.] Sambit naman niya sa akin, kaya naman ay ibinaba ko na ang tawag namin.




Nang ibulsa ko ang phone ko ay napunta naman ang atensyon ko sa mukha ni Nica. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa kaniya. "Hoy, ano'ng tinitingin mo diyan?" Mataray na tanong niya sa akin, kaya naman ay mas lalo akong napangiti sa kaniya.




"Wala, ang cute mo kasi." Pagsagot ko naman sa kaniya, at tuluyan na siyang nahiya sa aking sinabi. 




"Akala mo kung sino'ng matapang, pero kapag tinawag mo na cute, nahihiya." Natatawang hirit ko naman sa kaniya habang nakasimangot na siya sa akin.




Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na kami ni Nica sa aming harutan nang makita na namin sila Mark at Julia na naglalakad papunta sa amin.




"Ano? Nag-enjoy ba kayo tol?" Nakangiting tanong ko sa kanila bago sila umupo sa bakanteng upuan. 




"Grabe tol, buti nga buhay pa kami eh." Natatawang sagot naman ni Mark habang si Julia naman ay natawa rin ng mahina.




"Sa wakas! Makakakain na rin!" Masayang sabi ni Mark nang dumating na ang mga order namin na pagkain. "Wait! Huwag muna kayo kumuha, I will take a picture first!" Mabilis na hirit naman ni Julia bago niya paluin ang kamay ni Mark na kukuha na sana ng nachos.




Dahil katabi ko si Mark sa pagkain, puro pagnguya at pagdighay niya ang naririnig ko. "Tol, easy ka lang, may laro pa tayo bukas." Biro ko naman sa kaniya bago ako kumuha ng fried chicken sa plato ko. 




"Hayaan mo na ako tol, minsan lang naman ako lumamon ng todo." Sambit niya naman sa akin, at natawa naman sila Nica at Julia dahil doon.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon