~
"Noel," nakangiting sabi niya sa akin habang siya'y maluha-luha na.
"Mahal na mahal kita, kaya yes!"
Nang marinig ko na ang kaniyang sagot ay biglang napuno ng galak ang aking puso. Isinuot ko na sa kaniyang daliri ang singsing at tuluyan na kaming nagyakapan sa loob ng simbahan.
"Nica, walang makakatumbas sa tuwa na aking nararamdaman!" Masayang sabi ko sa kaniya habang kami'y magkayakap.
"Kahit kakatalo mo lang sa laro niyo kanina?" Tanong niya sa akin nang magkatinginan kami.
"Oo naman, dahil-" hindi ko na natuloy ang aking sinsabi nang halikan na niya ako sa labi.
Napapikit nalang ako sa tuwa habang patuloy pa kaming nagmamahalan.
"So, ayos lang ba?" Nahihiyang tanong niya sa akin bago niya binitiwan ang pagkahawak niya sa aking dibdib.
"Nagustuhan ko siya." Nakangiting sagot ko sa kaniya, kaya naman ay mas lalo pa siyang namula sa hiya.
"Parang fried chicken lang tol, malinamnam." Biro ko sa kaniya. "Noel naman eh! Bahala ka diyan, hindi ka na makakaulit pa!" Natatawang sabi naman niya sa akin, at napakamot nalang ako sa buhok ko.
Inakbayan ko na siya at naglakad na kami pabalik sa bus namin sa parking lot.
"Congrats, tol!" Nagulat nalang kami ni Nica nang salubungin kami ng mga kakampi ko at sabay yakap sa amin ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.