34

67 2 0
                                    

~

"Noel! Kaya mo 'yan!" Malakas na sigaw sa akin ni Nica, at napalingon naman tuloy ako sa kaniya sa courtside. Napangiti nalang ako sa kaniya habang pinipakita ko ang aking thumbs-up. 




Pumwesto na ulit kami sa court, at ikinalma ko naman ang aking sarili habang nakatayo ako sa labas ng three point line. Nang makapuwesto narin ang players ng UE ay pumito na ang referee at tsaka niya ibinigay ang bola kay Chester. 




"Akin na!" Sambit ko kay Chester ng tumakbo ako papalapit sa kaniya. Naipasa naman niya sa akin ang bola bago pa ito maagaw ng kalaban, at wala na akong inisip pang gawin kung 'di itira ko na ang bola. 




"Ang galing mo talaga tol!" Masayang bati sa akin ni Mark nang pumasok ang three point shot ko bago pa maubos ang oras. 




Grabe, hindi ko na namalayan na nakangiti na ako habang sinusugod ako ng mga kakampi ko. Nanalo kami dahil sa akin! 




Naghiyawan na ang mga fans ng UP sa loob ng Araneta, at nakita ko naman si Nica na nakangiti na habang naghahanda para sa kaniyang report. 




"Ibang klase ka talaga Fernandez!" Sambit sa akin ni coach nang makipagkamayan na siya sa coaching staff ng UE. "Siyempre coach, ako pa ba?" Natatawang sabi ko naman sa kaniya bago ako tawagin ni Nica para sa interview ko. 




"Look who's here! We were just talking about how great you played today!" Nakangiting bati sa akin ng mga commentators sa isang monitor. 




"Kahit ano po, basta para sa UP." Masayang sabi ko naman sa kanila bago ako simulang kausapin ni Nica.




"Last question, were you nervous when you took that last shot in order for you guys to win the game?" Pagtanong naman sa akin ni Nica. 




"Hindi eh, may nagcheer kasi sa akin bago ko 'yun tinira, at sa pagkakaalam ko, ikaw 'yung nagcheer sa akin, kaya salamat Nica!" Natatawang sagot ko naman sa kaniya bago ko siya halikan sa pisngi. 




Namula agad ang kaniyang mukha dahil sa hiya, at nagtilian naman ang mga commentator sa isang monitor. "Congrats Noel sa game ninyo today at good luck din sa next game niyo!" Nahihiyang sabi naman ni Nica sa harapan ng camera bago ako bumalik sa locker room namin. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon