6

276 36 0
                                    

~

"Ayusin niyo mga galaw niyo! Ang lalamya niyo! Hindi tayo mananalo nito!" Sigaw sa amin ni Chester, ang captain ball namin ngayon ni Mark sa scrimmage namin. 




Medyo naiinis lang ako sa kaniya ngayon dahil nag-iba ang pagtrato niya sa amin bilang teammate niya. "Chester, masyado ka na 'atang mahigpit sa team mo. Get back to your usual self, be a good leader." Narinig kong sabi ni Coach Ronnie sa kaniya habang timeout pa.




Nang magsimula na ang second quarter ay sinubukan kong ihingi ang bola galing kay Chester, ngunit hindi niya ito pinasa at nagkaturnover tuloy kami. 




"Cap, 'onting tiwala naman oh." Sambit ko sa kaniya nang tapikin ko siya sa braso. "Pasensya na, nadala lang ako sa problema ko ngayon." Sabi niya sa akin bago kami bumalik sa posisyon sa court. 




"Mark!" Sigaw ko sa kaniya nang ipasa ko ang bola para ma-shoot niya ito. "Nice one tol!" Bati ko sa kaniya nang maipasok niya ito bago maubos ang oras.




"Nice first half everyone! We will resume our game after this five minute break!" Sambit sa amin ni Coach kaya naman ay tinabihan ko na si Nica sa may bleachers. 




"May tanong ako sa'yo Nica," Bati ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ko. "Paano ka nakakapasok dito kahit hindi naman kita pinaalam kay coach?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya, at napangiti naman siya doon. "Sa totoo lang, 'di ko rin alam eh." Natawa tuloy siya nang sabihin niya 'yon.




"Pero payag ka n'on," Bitin na sabi sa akin ni Nica. "Tinawagan kang malamya kanina." Natatawang sabi naman niya sa akin, at kaya naman nakisabay nalang ako sa kaniya. 




"Ewan ko ano'ng problema niya, may pinagdadaanan ata eh." Sambit ko naman sa kaniya bago sumulpot si Mark sa tabi ko. "Ang ganda ng pasa mo kanina sa akin tol, ang lamya." Pabirong sabi naman niya sa akin bago kami magtawanan. 




"Chester!" Hiningi ko ang bola mula sa kaniya, at sa wakas ay pinasahan niya rin ako. Naka score kami sa possession na iyon kaya sana naman may tiwala na siya sa akin. 




Kaso nga lang, dahil late na bumalik sa normal si Chester ay natalo parin kami sa score na 30-21. "Good game everyone! You may now go, at 'wag niyong kalimutan ang meeting natin next week." Sambit sa amin ni coach.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon