12

159 9 0
                                    

~

"Noel! Papasok na kami, mag-ingat ka!" Nakangiting paalam naman ni Nica sa akin at si Mark naman ay kumaway sa akin bago sila lumabas ng kuwarto. 




Kakagising ko palang kaya nginitian ko nalang muna sila. Uminom muna ako ng tubig na nakahanda na sa tabihan ko para hindi ko na kailangan tumayo. "Pasalamat ka buhay ka pa." Sabi ko sa sarili ko habang naka tingin ako sa paa ko.




To : Dada

Pupunta ka ba dito Da???




From : Dada

Lapit na ko dyan nakabike lang ako.




Habang hinihintay ko siya dumating ay naglaro muna ako ng chess sa phone ko. "Nadale pa nga." Nakangiting sabi ko sa sarili ko nang makain ko ang queen ng kalaban ko sa chess. Napatingin nalang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. 




"Anak, kumusta na?" Nakangiting bati sa akin ni Dada na may dala-dalang pagkain. "Ganoon parin Da, pogi parin naman ako." Pabirong sagot ko naman sa kaniya bago kami magtawanan.




"Da, may gusto sana akong sabihin sa'yo," Sambit ko sa kaniya habang kumakain kami ng baon niyang pagkain na niluto ni Mama. "Bakit Noel, ano 'yon?" Pagtanong naman niya sa akin. 




"Sabi ni coach sa akin kahapon, balak niya akong gawing starting shooting guard sa lahat ng laro namin sa UAAP." Sagot ko naman sa kaniya, at napangiti naman siya dahil doon.  




"Alam mo, masaya ako na inalok ka ni coach na mag starting. Kaso lang, 'di ko sure sa Mama mo kung papayag siya, injured ka pa man din." Nakangiting sabi naman niya sa akin.




"Da, pangako ko, by next week magaling na 'tong paa ko." Sabi ko naman sa kaniya, at tumango naman siya sa akin habang nakangiti. "Teka, kailan ba kasi opening ng UAAP?" Nagtatakang tanong niya sa akin. 




"Hindi ko pa nga po sigurado eh, pero nabanggit sa amin ni coach noon, baka this coming weekend na." Sagot ko naman sa kaniya, at saktong sakto ay tumawag sa akin bigla si coach sa phone ko.




"Coach! Ano po 'yon?" Pagbati ko naman sa kaniya nang sagutin ko ang tawag.


'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon