22

156 4 2
                                    

~

"Good game guys, good game." Masayang pagbati sa amin ni Coach Ronnie nang manalo kami kontra sa NU sa score na 70 - 64. 




"First game natin tol, napanalo natin!" Maligalig na sabi sa akin ni Mark habang nagpapalit na kami ng damit sa locker room. "Ang saya nga tol, grabe." Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang sinasabi ko ito kay Mark. 




Maya-maya lang ay lumabas na kami ng locker room, kung saan nakita namin si Nica na naghihintay sa amin. "Ano, kain na tayo?" Nakangiting tanong ni Nica sa amin. Suot-suot niya ang hoodie na nanggaling sa akin, kaya naman ay kinilig nalang ako ng patago.




Sinimulan na namin maghanap ng makakainan dito sa MoA. Binigyan kami ni coach ng isang oras para makapag-ikot pa kami dito. 




"Puwede po ba kami magpapicture?" Kinikilig na tanong sa amin ng dalawang fans ng UP. "Sure, halina kayo." Nakangiting sagot naman ni Mark, at kaya naman ay lumayo pa si Nica sa amin. Maya-maya lang ay dumami pa ang mga nagpapicture sa amin ni Mark. 




"Ikaw Noel, ang dami mo ng babae, hindi ka pa makuntento sa isa!" Naiinis na hirit ni Nica sa akin nang makapasok na kami sa kakainan namin. "Sino naman iyung isa?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya, habang si Mark naman ay pinipigilan nalang ang kaniyang tawa.




"Huh? Siyempre iyung Mama mo!" Namumulang sagot naman niya sa akin bago niya itago ang mukha niya sa hood ng hoodie ko. Natawa nalang ako nang mahina dahil sa ginawa niya. 




"Tama na 'yan, masama makipag-away. Ano na gusto niyong kainin, mag-oorder na ako." Tanong sa amin ni Mark nang tumayo siya sa harapan namin ni Nica. "Siyempre, burger lang sa akin." Sagot ko naman kay Mark, at napunta naman ang atensyon niya kay Nica. 




"Ikaw, Nica?" Pagtanong ko sa kaniya, pero mukhang ayaw na 'ata niyang gumalaw.




"Pakurot muna!" Nagulat nalang kami ni Mark nang kurutin ni Nica ang kanang pisngi ko. "Hoy, mamaya na kayo magharutan. Ano ba'ang gusto mong kainin?" Natatawang tanong naman ni Mark kay Nica. 




"Una, hindi ako maharot! Pangalawa, chicken with rice lang order ko!" Nakangiting sagot naman ni Nica bago tuluyang nag-order si Mark sa cashier. Napansin ko naman na parang kakaiba ang dating ni Nica ngayon. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon