2

460 50 11
                                    

~

'Ma, Da, pumasok na po ako. Goodmorning!' Sinulat ko ito sa papel at inipit ko ito sa magnet ng ref namin. 


Umalis na ako ng bahay habang maaga pa, para maaga rin akong makarating doon. 


"Ano, tara na tol, baka ma-late pa tayo!" Natatawang bati sa akin ni Mark sa kanto ng bahay namin. 


"Bakit kasi 'di mo sinabi agad na sa UP ka rin pala tol? Nagulat tuloy ako sa'yo kahapon tol!" Hindi pa rin ako makapaniwala na ang kaibigan ko mula pagkabata, na si Mark, ay nag-aaral din pala sa UP.


Sabay na kaming sumakay sa tren at pati na rin sa jeep papuntang UP Diliman. Nang makarating na kami doon ay kumain muna kami ng isaw at barbecue sa tambayan ko. 


"Alam mo tol, ang sarap na sana ng buhay kung magkaklase tayo eh," Pabirong sabi ni Mark, dahil civil engineering din pala ang course niya. 


"Hayaan mo na tol, basta dapat pareho tayong makakapasok sa basketball team." Nagtanguan naman kami tungkol sa sinabi ko. 


"Mr. Fernandez, nasabihan ako na sasabak ka sa tryout mamaya," Bati sa akin ni Prof. Reyes pagkatapos ng klase. 


"Oo nga po sir, gusto ko po kasi talaga makasama sa team." Nakangiting sabi ko sa kaniya. 


"Well, kung gusto mo talaga, galingan mo sa paglalaro mamaya. Best of luck, Mr. Fernandez." Kinamayan niya ako at nagpasalamat naman ako sa kaniya. 


"Tol, saan ba tayo pupunta?" Pagtataka ni Mark habang naglalakad kami papunta kay Nica. 


"May yayayain lang akong kumain pagkatapos natin mag tryout." Dahil sa sinabi kong iyon, halos mabaliw na si Mark sa kilig. 


Iniwanan ako ni Mark mag-isa sa labas ng building ni Nica kaya naman mas lalo akong kinabahan. 


"O, ano'ng ginagawa mo dito?" Mataray na tanong niya sa akin, at bigla nalang niya ako nilagpasan. 


"Sandali lang Nica, baka gusto mo sumama sa akin," Bitin na sabi ko sa kaniya, at nagtaka naman siya. 


"At bakit naman ako sasama sa'yo?" Tinaasan niya ako ng kilay at napasinghay naman ako. 


"May tryout ako pati ng kaibigan ko sa basketball, balak ko sanang i-libre kita pagkatapos." Dahan-dahang banggit ko sa kaniya, at napaisip naman siya. 


"Sige na nga, saan tayo kakain?" Bigla nalang nagabago 'yung tono ng boses niya! "Ah sa may ano, sa may lugawan malapit sa gym." Sinabi ko ito habang nakahawak ako sa aking buhok. 


"Basta libre mo?" Tanong niya sa akin, at tumango naman ako sa kaniya. "Tara na, sakay na tayo ng jeep," nahihiyang sabi niya sa akin, at sinimulan ko na maglakad patungo kay Mark. 


"Oo nga pala Nica, siya yung kaibigan ko, si Mark." Pagpapakilala ko sa kaniya, at kumaway naman si Mark kay Nica. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon