~
"Uy, Nonoy! Halika na!" Biro sa akin ni Nica, kaya naman ay sumakay na ako sa loob ng bus. "Mukhang mas excited ka pa 'ata kaysa sa'kin ha." Sambit ko naman sa kaniya nang umupo na ako sa tabi niya.
"Alangan! First year mo palang sa UAAP, pero nakapasok ka na agad sa Finals!" Masayang sabi naman niya sa akin. "Hoy, first year ko rin naman sa UAAP tol." Hirit naman sa amin ni Mark, at natawa tuloy ako sa kaniya.
Nang magsimula ang buwan ng Nobyembre ay puno ng suwerte at saya ang sumalubong sa akin. Hindi ko talaga akalain na matatalo namin ang UST para makapasok kami sa finals! Naging maganda rin ang performance ko sa mga exam namin.
Habang nasa biyahe kami ay naalala ko ulit ang nangyari kay Nica last week. "Pinapansin ka pa rin ba ni Paul?" Tanong ko sa kaniya. "Blinock ko na siya sa lahat ng socials ko, pero nakakabuwiset pa rin talaga siya!" Inis na sagot naman niya sa akin.
"Mabuti naman. Kalimutan nalang natin siya, at mag-enjoy muna tayo sa araw na ito." Sambit ko naman sa kaniya, at maya-maya lang ay sumandal na siya sa aking braso.
Tama talaga ang sinabi ko noon, sila Gonzales nga ang makakalaban namin sa finals. Ang standing namin ay 1-1, kaya naman ay kailangan na naming galingan mamaya para maging champion na kami ng tuluyan.
"Maroons, get ready. Nandito na tayo." Sambit sa amin ni coach nang makapark na ang bus namin sa likod ng Arena. "Tara na." Hirit ko naman kay Nica bago ko kinuha ang bag niya.
"Grabe tol, ang dami talaga nating fans." Sabi sa akin ni Mark nang salubungin kami ng maraming tao papasok sa Arena. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa loob ng locker room.
"Coach, sisimulan ko na po 'yung coverage natin ngayon." Nagpaalam na si Nica kay coach, at bago siya lumabas ng tuluyan ay binigyan niya muna ako ng flying kiss.
"Ayan na tol, binigyan ka na niya ng magic powers. Dapat manalo na tayo ngayon." Biro naman sa akin ni Mark habang nagsisintas kami ng sapatos.
Nang matapos na kaming magbihis ay tumayo na si coach sa harapan naming mga players ng UP. "So, bakit nga ba tayo nandito ngayon?" Pagtanong sa amin ni Coach Ronnie. "Para po manalo, coach!" Sagot naming lahat sa kaniya.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.