29

83 3 0
                                    

~

"Tol, kain muna tayo sa isawan, nagutom ako sa exam natin kanina eh." Sambit sa akin ni Mark habang naglalakad kami sa sidewalk. 




Bago kami pumunta ng court ay bumili muna kami ng isaw at barbecue para kumain sa tambayan namin. "Mark, sa tingin mo, makakapasok kaya tayo sa Final Four?" Pagtanong ko sa kaniya bago ako kumagat sa isaw ko. 




"Oo naman, pero sa tingin ko hindi pa natin kaya magchampion." Sagot naman niya sa akin, at tinanguan ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi. 




"Tama ka tol, marami rin namang solid na team sa UAAP." Hirit ko naman sa kaniya bago kami tuluyang naglakad papunta sa court. Pagkadating namin doon ay dumiretso na kami sa locker room para makapagpalit na kami ng damit. 




Nagstretching muna ako sa gilid ng court bago ako nagsimulang magshooting. Hindi muna kami nagpractice game dahil baka maubos kaagad ang lakas namin.




"Okay, malapit na tayong umalis, kaya mag-ayos na kayo bago pa dumating ang service natin." Sambit sa amin ni coach, kaya naman ay naligo muna ako sa shower room bago ako nagbihis ng pang-alis sa locker room. 




"Let's go na, sakay na tayo sa bus." Hirit sa amin ni Chester bago siya naunang pumasok sa loob ng bus. Sumunod naman kami ni Mark na pumasok sa gitna ng bus. 




Kinamusta ko naman si Nica sa text habang bumibiyahe na kami papuntang MoA Arena. Makalipas ang dalawang oras ay nakarating na kami sa parking lot ng Arena.




 Naghintay muna kami sa lobby ng Arena dahil mamayang 3:00 PM pa ang laro namin, at kasalukuyan namang naglalaro ang UST laban sa UE.




"Okay, tara na, tapos na ang labang ng UST at UE, panalo USTe." Sambit sa amin ni coach bago kami tuluyang naglakad papunta sa locker room namin. 




"Goodluck sa game niyo tol." Pagbati naman sa akin ni Lorenzo nang magkasalubong kami. Binigyan ko naman siya ng thumbs-up bago ako pumasok sa loob ng locker room. 




"Bulaga!" Napaatras nalang ako bigla nang gulatin ako ni Nica sa loob! "Kahit kailan ka talaga Nica! Paano ka naman nakapunta dito, eh wala ka naman sa bus kanina?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya, habang nagtatawanan parin ang buong team dahil sa nangyari. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon