~
"Ma, kumusta na po kayo diyan ni Dada?" Masayang bati ko naman kay Mama sa video call. Maaga ako nagising dahil masyado akong excited para sa araw na ito, kaya naisipan ko na tawagan muna sila Mama.
Ilang beses ko ng sinabihan sila Mama at Dada na miss na miss ko na sila habang nakavideo call kami, pero parang nararamdaman ko pa rin ang pagkalayo namin sa isa't-isa.
Siguro bibisitahin ko nalang sila sa susunod na weekend. Maya-maya lang ay naisipan ko nang magpaalam kay Mama sa tawag namin.
[O sige na, at matutulog pa ako dahil maaga pa naman. Mag-iingat kayong lahat ha! Sabihan mo rin si Mark na mag-ingat siya sa pagmamaneho mamaya.] Pagpaalam sa akin ni Mama.
"Opo Ma, kami na po ang bahala mamaya. I love you Ma! Bye na po!" Pagpaalam ko naman sa kaniya bago ko i-end ang video call namin.
Bumangon na ako sa kama ko at naghilamos na ako ng mukha sa lababo. "Tol, gising ka na ba?" Pagsigaw ko naman sa labas ng kuwarto ni Mark.
"Oo tol! Maliligo na rin ako!" Pagsagot naman niya sa akin, kaya naman ay bumalik na ulit ako sa kuwarto para maligo na rin.
Nang matapos na akong maligo ay napansin ko na may bagong notification na lumabas sa phone ko.
From: Nica Liit
Punta na ako sa kuwarto niyo, nakaligo at nakakain na rin ako
"Lintik na 'yan, hindi pa nga ako nakakabihis ng damit eh." Hirit ko naman sa sarili ko bago ko siya replayan.
To: Nica Liit
Gege pagbuksan na kita ng pinto
"Iyan na suot mo?" Biro naman sa akin ni Nica nang makita niya akong naka boxer lang at walang suot na shirt. "Ulol, magbibihis muna ako." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya bago ako bumalik sa kuwarto ko para magbihis.
Nag polo nalang ako para maiba naman ang pormahan ko at tinernohan ko nalang ito ng maong shorts at sneakers. "Mga tol, malapit na dito si kuya, mga ten minutes nalang daw." Sambit sa amin ni Mark habang nakaupo kami ni Nica sa sofa.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.