26

97 4 0
                                    

~

"Bakit nasa sahig ako?" Inaantok na tanong ko sa sarili ko nang magising ako sa sahig ng kuwarto ko. 




"Uy, bakit diyan ka natulog sa sahig?" Mataray na tanong sa akin ni Nica habang nakaupo siya sa kama ko. Napakamot nalang ako sa buhok dahil sa nangyari sa akin. 




"Ikaw, paano ka nakapasok dito?" Pagtanong ko naman sa kaniya bago ako humikab. "Pinapasok ako ng mabait mong kaibigan." Nakangiting sagot naman niya sa akin, at wala na akong magawa kung hindi tumayo nalang para hanapin si Mark. 




"Tol, bakit mo pinapasok si Nica?" Pagtanong ko sa kaniya habang pinipigilan ko ang tawa ko. "Bakit, ano ba'ng ginawa niya sa'yo?" Pagtanong naman niya sa akin habang nagtitimpla siya ng gatas.




"Hinulog ako sa kama." Iritang sagot ko naman sa kaniya, at natawa nalang siya dahil sa sinabi ko. Ang lalakas talaga ng tama ng mga kaibigan ko. 




"Ikaw Nica, hindi ka pa aalis diyan?" Pagtanong ko naman sa kaniya nang makita ko siyang nakahiga parin sa kama ko. "Hindi pa, mamaya pa naman pasok ko." Sagot naman niya sa akin bago niya ako belatan. 




Tinarayan ko nalang din siya bago ako naghanap ng damit na susuotin ko para sa araw na ito. "Hoy, magbibihis ka sa harapan ng babae?" Pagtanong naman niya sa akin nang batuhan niya ako ng unan. 




"Kuwarto ko 'to eh, pumikit ka nalang kung ayaw mong umalis." Sagot ko naman sa kaniya nang batuhin ko ang unan pabalik sa kaniya, at napangiti naman ako sa naging reakson niya.




Habang nagpapalit na ako ng pantaas ay napansin ko sa salamin na nakasilip sa akin si Nica sa ilalim ng kumot ko. 




"Hoy, ano'ng tinitingin mo diyan?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya, at kaya naman nagtago ulit siya sa ilalim ng kumot ko. 




Nang matapos na akong mag-ayos ay nagulat nalang ako nang sampalin niya ang puwet ko. "In fairness, matambok siya!" Pang-asar naman sa akin ni Nica, kaya naman ay hinabol ko nalang siya para kilitiin. 




Nang sumuko na sa akin si Nica ay bumalik na kami sa dati naming anyo bago kami lumabas ng kuwarto. "Bakit parang ang tagal niyo sa loob?" Pagtanong naman sa amin ni Mark bago niya inuman ang baso ng gatas niya. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon