28

80 2 0
                                    

~

"Noel, gumising ka na, at marami pa tayong gagawin!" Pagsasampal ko sa sarili ko para tuluyan na akong magising. 




Pumasok na agad ako sa bathroom para maligo, at pagkatapos no'n ay nagbihis na ako nang susuotin ko sa araw na ito.  




"Tol, may sasabihin sana ako sa'yo." Sambit sa akin ni Mark habang kumakain kami ng tinapay. "Ano 'yun tol?" Pagtanong ko naman sa kaniya bago ako uminom ng gatas. 




"La Salle makakalaban natin bukas, 'di ba?" Pagtanong naman niya sa akin, at tumango naman ako sa kaniya. "Oh, ano naman?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya habang pinipigilan niya ang tawa niya. 




"Si Julia kasi, hindi makakanood!" Nagkunwari siyang umiiyak nang sabihin niya ito sa akin, kaya naman ay napasapo nalang ako sa noo ko. "Akala ko naman kung ano!" Natatawang sambit ko naman sa kaniya, kaya naman ay napatawa rin si Mark.




Pagkatapos naming kumain ay inayos namin ang sports bag namin dahil may practice kami mamaya sa court. 




"Nica!" Pagsigaw namin ni Mark habang kumakatok kami sa pintuan niya. "Ano?" Inaantok na tanong naman niya sa amin. Hinalikan ko siya sa kaliwang pisngi niya, kaya naman ay nagising bigla ang diwa niya. 




"Mauna na kami ni Mark! Goodbye na!" Nakangiting paalam ko naman sa kaniya bago kami tumakbo ni Mark sa hallway. "Tol! Idol na talaga kita!" Natatawang sabi ni Mark sa akin habang bumababa kami ng hagdan. 




Sabay na kaming sumakay ng jeep papuntang Melchor Hall, at nang makarating na kami doon ay pumasok na ako sa klase ko. Nagkaroon kami ng written exam, at napasa ko naman ito. 




Makalipas ang apat na oras ng pag-aaral ay nagkita na kami ni Mark sa labas ng building namin. "Tol, ano'ng oras ba practice natin mamaya?" Pagtanong naman niya sa akin. 




"Mamayang 4:00 PM pa naman, mahaba-haba pa ang bakante natin." Sagot ko naman sa kaniya bago kami naglakad patungo sa sakayan ng jeep. 




Habang nakasakay kami sa jeep ay naisipan ko namang yayain si Nica na kumain pagkatapos ng practice namin.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon