~
"Timeout, UP!" Sigaw ng isang referee sa court, kaya naman ay pumunta na kami sa bench para makinig sa sasabihin sa amin ni Coach Ronnie.
"Guys, 'wag kayong mataranta." Sambit sa amin ni coach bago siya napasapo sa kaniyang noo.
"Chester, you're doing a good job with your playmaking, so keep it up." Sabi naman niya kay Chester, at tumango naman siya sa kaniya.
"Kayong dalawa naman, you guys need to step up your game! Tumira lang kayo ng tumira, basta siguraduhin ninyo na papasok ang lahat ng 'yon!" Utos sa amin ni coach, kaya naman ay tumango rin kami ni Mark sa kaniya.
"Sagutin niyo ang tanong ko, ano ang score ng game natin ngayon?" Pagtanong sa amin ni coach. "Coach, 21-9 po." Sagot namin sa kaniya.
"See that? Ang baba ng score natin. Do not hesitate to shoot the ball, dahil nandiyan naman sina Jones at Rivera para kumuha ng rebounds." Seryosong sabi sa amin ni coach. "Understood, coach!" Sabay-sabay naming sinagot sa kaniya.
"That's good. Sige na, bumalik na kayo doon at habulin niyo na ang score ng Ateneo." Hirit sa amin ni coach, kaya naman ay ginanahan na kaming maglaro pagbalik namin sa court.
Salamat sa pagsermon sa amin ni coach, nagbago na ang timpla ng laro namin. Nahabol na namin sila, at nagtapos ang first quarter sa score na 27-20, at lamang pa rin ang Ateneo ng pito.
"Tol, excited na ako para sa'yo mamaya." Nakangiting sabi sa akin ni Mark sa bench.
"Sana lang talaga sagutin niya ako. Kasi kung hindi, ewan ko nalang ano mangyayari sa'kin." Sambit ko naman sa kaniya, at natawa naman siya sa akin.
"I have to say, you guys did well this first quarter. Pero kung kaya niyo namang lamangan ang Ateneo, gawin niyo na, okay?" Sabi sa amin ni coach sa bench. "Yes, coach!" Masiglang sagot namin sa kaniya.
Nang tumunog na ang buzzer ay sinimulan na namin ang paglalaro sa second quarter. Hindi muna pinapasok ni coach si Mark dahil naka tatlong foul na siya kanina.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Roman pour AdolescentsUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.