33

78 2 0
                                    

~

"Tol! Gumising ka na at binabaha na tayo!" Bigla nalang ako napaupo sa kama ko nang may narinig akong sumigaw nito. Napasapo nalang ako sa noo ko nang makita ko si Mark na tumatawa sa may pintuan ng kuwarto ko. 




"Ikaw talaga tol, paano naman tayo babahain dito?" Hindi parin mapigilan ni Mark ang kaniyang tawa nang itanong niya ito sa akin. "Itanong mo kay batman." Inaantok na sagot ko naman sa kaniya bago ako dumiretso sa lababo. 




"Ang sungit mo naman tol, parang wala kang ka-date kahapon." Tumatawa parin si Mark nang isigaw niya ito palabas ng kuwarto ko. Napangiti nalang ako sa sarili ko habang naghihilamos ako ng mukha.




Naghanap na ako ng maisusuot sa araw na ito, at pagkatapos ay tuluyan na akong nanalamin sa kuwarto ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Mark na nakaupo na sa sofa namin, kaya naman ay sabay na kaming lumabas ng pintuan. 




"Nica!" Pagsigaw ko naman sa labas ng kuwarto niya. "Bakit?" Pagtanong naman niya sa akin nang buksan na niya ang pinto. "Wala lang, nangangamusta lang ako." Sagot ko naman sa kaniya bago ko kurutin ang kaniyang pisngi. 




Hindi na siya nakabawi pa nang tumakbo na kami ni Mark pababa ng dorm namin. Sabay na rin kami pumasok sa klase namin, at maya-maya lang ay nararamdaman ko na ang antok ko. 




"Sa Biyernes! Magkakaroon tayo ng short exam lang naman, kaya magbasa-basa na kayo simula ngayon." Sambit sa amin ni Prof. Reyes bago niya kami palabasin sa klase.




Nagkita na kami ni Mark sa labas ng Melchor Hall at tsaka kami naglakad sa may sakayan ng jeep. "Sana manalo tayo mamaya tol, para magkawinning streak na tayo." Hirit sa akin ni Mark habang nakasakay pa kami sa jeep. 




"Kaya 'yan, mananalo tayo mamaya." Sabi ko naman sa kaniya habang nakatingin sa malayo. Bumaba na kami sa may harapan ng court, at una ko naman nakita si Nica na may dala-dalang bag. 




"Uy, bakit ka nandito?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. "Bakit, ayaw mo ba?" Mataray na tanong naman niya sa akin. "Ito naman, nagtatanong lang eh." Sagot ko naman sa kaniya bago niya ako ngitian. 




"Mamaya na kayo maglandian diyan! Malapit na 'yung bus!" Hirit naman ni Chester sa amin, at natawa naman ako dahil doon. "Hoy Chester! Kaibigan ko jowa mo! Baka gusto mong maano!" Pagbabanta naman ni Nica sa kaniya, at mas lalo naman kaming natawa ni Mark.

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon