25

115 3 0
                                    

~

"Kalimutan niyo nalang ang nangyari kanina. I'll make sure na we will win our next game." Malungkot na sabi sa amin ni Chester sa loob ng locker room. 




Lahat kami ay tahimik na nakaupo sa loob dahil natalo kami ng UST sa score na 68-70. 




"Sorry mga tol, hindi ko napasok 'yung three point shot ko." Sambit ko naman sa kanila, pero agad na nagsalita si Chester. 




"Hindi mo kasalanan 'yun Noel, kaya hayaan nalang muna natin ang laro  na 'to. Basta sa susunod, mananalo na tayo!" Pagsigaw sa amin ni Chester para ganahan kami, at gumana nga, dahil lahat kami ay nagsigawan nalang kahit natalo kami kanina.




Nag-ayos na kami ng mga gamit namin sa loob ng locker room. "Bibigyan ko kayo ng 30 minutes bago tayo bumalik sa bus, kaya use it wisely." Sambit sa amin ni Coach Ronnie sa labas ng Colisseum, kaya naman ay naisipan namin ni Mark na makipagkita kanila Lorenzo at Ligaya. 




"Good game, tol!" Masayang bati ni Mark kay Lorenzo, at nginitian naman niya si Mark. "Ang gagaling niyo kanina! Pero sayang natalo kayo, nakalusot kasi 'tong si Enzo kaninang last quarter eh!" Sabi naman ni Ligaya sa amin habang kinukurot niya ang pisngi ni Lorenzo. 




Nagkuwentuhan muna kami ng saglit sa labas ng Starbucks. Nabanggit ko rin si Veronica sa kanila, kaya naman ay pinagtripan na ako ni Mark.




"Sige Noel, sa susunod na magkita-kita tayo, isama mo si Veronica!" Kinikilig na hirit naman ni Ligaya sa akin, kaya naman ay napakamot nalang ako sa buhok ko. 




"Aya, let's go. Noel, Mark, nice game kanina." Nakangiting paalam sa amin ni Lorenzo bago niya akbayan si Ligaya. 




"Sige, sa susunod nalang ulit!" Pagpaalam naman namin ni Mark sa kanila bago kami bumalik sa bus namin. Hindi na ako nakatulog pa sa biyahe dahil nakarating din naman agad kami sa campus.




 "Tol, 7:30 PM na pala, ano kakainin natin?" Pagtanong sa akin ni Mark nang makarating na kami sa dorm namin. "Mag-isip nalang tayo tol, baka kumain nalang ulit tayo diyan sa labas." Sagot ko naman sa kaniya.




Habang nag-iisip kami ng kung ano'ng kakainin namin ay naisipan din namin na isama si Nica. Lumabas na kami ni Mark ng kuwarto para puntahan si Nica. 

'Musta Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon