~
"So, sa dorm kalang muna matutulog hanggang sa gumaling na iyung paa mo?" Tanong sa akin ni Nica habang kumakain kami ni Mark sa tambayan namin.
"Oo, pero baka magtagal pa ako sa dorm kung magustuhan ko doon." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya, at tumango naman siya sa akin.
"Alam mo tol, 'di na ako makapaghintay sa UAAP opening sa linggo," Sambit sa akin ni Mark nang akbyan niya ako habang naglalakad na kami ni Nica pabalik sa dorm.
Nang makarating na kami sa fifth floor ay napansin kong may dalawang taong nakatayo sa harapan ng pintuan ng kuwarto ko.
"Ma, Da, kanina pa ba kayo dito?" Pagtanong ko naman sa kanila bago ko sila yakapin. "Aba nagtext kami sa'yo, 'di mo ba nakita?" Seryosong tanong naman ni Mama sa akin, at nanlaki naman ang mata ko dahil hindi ko napansin na nagtext pala sila.
"Sorry na Ma, naka mute kasi yung notifications ko eh." Nakangiting sabi ko naman sa kaniya, at kaya naman tinawanan nalang ako ni Mark at ni Dada. Si Nica naman ay napasapo nalang sa noo niya.
"Sige na, buhatin mo na 'to sa loob." Nakatawang sagot sa akin ni Mama nang ituro niya ang tatlong kahon na nakalagay sa sahig. Nauna na si Nica sa kuwarto niya nang binuksan ko na ang kuwarto ko gamit ang susi.
Dalawang kahon ang binuhat ko at si Mark naman ang nagbuhat ng isang kahon. Nilibot muna nila Mama at Dada ang kuwarto ko habang inaayos ko ang mga gamit ko. "Ang laki naman ng kama mo 'nak, puwedeng-puwede pa matulog si Nica diyan." Pagbibiro naman ni Dada sa akin, kaya naman ay pinalo siya ni Mama gamit ang walis.
"Tandaan mo iyung mga binilin ko sa'yo ah! Bago matulog, siguraduhin mong naka lock na ang pintuan niyo." Pagbibilin naman sa akin ni Mama, at niyakap ko nalang siya nang sunod-sunod na ang pagbibilin niya sa akin.
"Ma, kaya ko na 'to. Kasama ko naman si Mark buong araw." Nakangiting sabi ko kay Mama dahil masyado na siyang nag-aalala sa akin. "Oo nga, kaya na niya 'yan! Tara na umuwi na tayo, nagugutom na ako." Pabirong sabi naman sa amin ni Dada bago kami magtawanan.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.