~
"Anak, kaya mo na ba umuwi ngayon?" Nag-aalalang bati sa akin ni Mama pagkapasok niya ng kuwarto. "Siyempre naman Ma, ako pa." Sagot ko naman sa kaniya, at tsaka niya ako hinalikan sa pisngi bago siya umupo sa kama.
Napansin ko naman na napangiti si Nica sa ginawa sa akin ni Mama, kaya naman ay nginitian ko na rin siya. "Ma, may gusto sana akong sabihin sa inyo." Sambit ko naman sa kaniya.
"Balak ko po sanang mag dorm muna hanggang sa maging fully recovered na ako." Nakangiting sabi ko kay Mama, at napaisip naman siya dahil doon.
Si Mark at Nica naman ay nagulat din sa naging desisyon ko. "Sige anak, may pang bayad naman tayo para doon. Pero ikaw, kakayanin mo ba?" Pagbibiro naman sa akin ni Mama.
"Ma, kayang kaya ko na po, tsaka balak ko rin pong makasama si Mark sa dorm eh." Nanlaki naman ang mga mata ni Mark nang sabihin ko ito.
"Papayag ka ba doon hijo?" Pagtanong naman ni Mama kay Mark, na abot langit na ang ngiti. "Opo Tita! Matagal-tagal ko na rin po napag-isipan iyon eh." Sagot naman ni Mark sa kaniya, at mukhang pumayag na rin si Mama.
"Tita, ako na pong bahala sa paghanap ng dorm ni Noel," Nakangiting hirit naman ni Nica sa kaniya. "Tutulungan ko na rin po si Nica sa paghanap." Habol naman ni Mark kay Nica.
"Kung sa ganoon, edi mabuti, at salamat narin sa pag-alala niyo kay Noel." Masayang pagpapasalamat naman ni Mama sa kanilang dalawa. "Bukas na bukas po magkakadorm na po agad si Noel." Pabirong sabi naman ni Mark sa kaniya, at bigla akong kinindatan ni Mark.
"Parang may balak ka tol ah," Sambit ko naman kay Mark, at kaya naman tinawanan niya nalang ako. Si Nica naman ay nagtataka na kung ano nga ba ang binabalak ni Mark.
BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.