~
"Tara na tol, nagugutom na ako eh." Sambit sa akin ni Mark nang makapagpalit na kami ng damit pagkatapos ng practice namin.
"Oo nga, ang tagal niyo kasing nagtraining kanina." Naiinip na sabi sa amin ni Nica, kaya naman ay sinimulan na namin maglakad papunta sa karinderya.
"Alam mo tol, 'wag ka muna mag-attend ng training ngayong linggo, ako natatakot sa'yo eh." Sambit sa akin ni Mark habang ngumunguya pa siya.
"Tol, nagpakondisyon lang naman ako kanina, para masanay ulit yung katawan ko sa basketball." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya, pero sinamaan lang ako ng tingin ni Nica.
Tahimik lang kaming kumain dahil napagod kami ni Mark kanina. Nang maubos nanamin ang pagkain namin ay mabilisang tumayo si Mark.
"Mauna na kayo tol, naalala ko pala kukunin ko muna iyung mga gamit ko sa bahay." Pagpapaalam sa amin ni Mark bago siya tuluyang sumakay ng jeep.
"Hindi ba malayo bahay niya 'mula dito?" Nagtatakang tanong sa akin ni Nica. "Oo nga eh, ewan ko sa kaniya ba't ngayon pa niya naisipan gawin iyon." Napakamot nalang ako sa buhok ko nang sagutin ko siya.
Niligpit na namin ang mga pinagkainan namin at sumakay na kami ng jeep pabalik sa dorm namin. Napansin ko na medyo problemado ang mukha ni Nica habang nakasakay kami sa jeep.
Paagkababa namin ng jeep ay hindi parin siya nagsasalita, kaya naman ay sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating na kami sa kuwarto niya.
"Nica, may problema ba?" Dahan-dahang tanong ko sa kaniya habang naka-upo kami sa sofa. Umiling lang siya sa tanong ko, kaya naman ay sinubukan ko nalang hulaan kung ano ang nasa isip niya.
"Alam ko na, dahil ba pinayagan ako ni coach na maglaro sa Lunes?" Pagtanong ko naman sa kaniya, at tumingin naman siya sa akin.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.