~
"Tara na tol! Baka iwanan na tayo nila coach!" Pagsigaw ko kay Mark nang makalabas na kami ng Melchor Hall.
"Ang haba kasi ng review natin para sa exam natin bukas! Tumakbo nalang tayo tol!" Sambit niya sa akin, kaya naman ay tumakbo na kami sa sidewalk hanggang sa may makita na kaming jeep papunta sa court.
Nang tumigil na ang jeep sa harapan namin ay mabilisan kaming sumakay sa loob nito. "Boss, pasensya na po pero, puwede po bang bilisan niyo pa po ang pagmaneho niyo? Kasi po hinihintay na kami nila coach sa bus eh." Magalang na hirit ko naman sa tsuper ng jeep.
"Ay walang problema 'yan! Basta galingan niyo mamaya sa laro niyo!" Natatawang sagot naman niya sa akin bago niya binilisan ang takbo ng jeep.
Nang matanaw na namin ang court ay nakita rin namin ang bus na dahan-dahan nang umaandar palayo! "Diyan lang po sa tabi! Keep the change nalang po!" Sambit naman ni Mark sa tsuper bago niya i-bayad sa kaniya ang singkwenta pesos.
"Salamat boss!" Pagsigaw ko naman sa kaniya bago kami tumalon ni Mark palabas ng jeep.
Binilisan na namin ang pagtakbo namin nang huminto ang bus sa may traffic light. "Malapit na tayo tol!" Natatawang sigaw sa akin ni Mark habang tumatakbo pa rin kami.
Bago pa lumipat ng green light ang traffic light ay naabutan na namin ang pintuan ng bus. "Coach! Coach Ronnie!" Pagsigaw namin ni Mark habang kumakatok kami sa pinto.
Nang makasakay na kami sa loob ng bus ay napaupo na muna kami ni Mark sa sahig nito. "Fernandez, Rivera, kumusta kayo?" Biro sa amin ni coach, habang ang mga kakampi ko naman ay nagtatawanan na.
"Masaya naman kami coach." Hinihingal na sagot naman ni Mark. "Pasensya na coach, medyo napahaba po kasi ang review namin para sa exam namin bukas." Sambit ko naman sa kaniya habang nagpupunas ako ng pawis.
"Sige na, umupo na kayo doon sa likod. Siguraduhin niyo lang na hindi na 'to mauulit." Natatawang sabi naman ni coach sa amin, kaya naman ay pumunta na kami ni Mark sa puwesto namin sa likod.
Uminom agad ako ng tubig nang maka-upo na ako sa upuan. Sinilip ko rin ang laman ng dala-dala kong bag para siguraduhin na hindi ko nakalimutan ang jersey at sapatos ko. Naisipan ko naman na tawagan si Nica para mai-kuwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Mark.

BINABASA MO ANG
'Musta Ka?
Teen FictionUP Serye #1 Noel Antonio Fernandez, an Isko who studies Engineering so he could apply for an Aviation School, fell in love with an Iska who gave him hope in his life. Unfortunately, that person is also the woman who will leave him in the dust.